15

588 16 0
                                    

15: Cupcake

"Class, don't forget yourself, health is wealth." Huling sinabi ng prof namin tapos lumabas na rin siya. Ilang gabi rin hindi umuwi si Kirsten sa dormitory. Sabi nila ate Janette na, minsan umuuwi raw siya sa kanila kahit mahaba ang biyahe. Namimiss ko kasi siya. 

“Tara sa basketball court?” Napaangat ang tingin ko kay Kelly. 

“Arnold, pakibalik na sa akin scientific calculator ko,” sabi ko kay Arnold na nasa likuran ko lang. Kinuha naman niya agad at inabot sa akin.

“Salamat,” sabi ko. Meron naman siguro siya sa yaman niya. Gusto niya lang talaga mangasar mamaya may gayuma pa siyang nilagay dito.

“Saang basketball court ba tayo?” tanong ni Sandra. Oo nga pala, maraming basketball dito, may indoor tsaka outdoor tapos may malapit sa canteen. Meron rin sa gym. Pero nakikita ko palagi si Kirsten sa court na malapit sa isang canteen.

“Sa labas, nandon sila Kirsten naglalaro,” sagot ni Kelly.

“Hindi ba nagseselos boyfriend mo?” tanong ni Sandra ng pataray sa kanya.

“Iwan ko pa siya eh!” sigaw ni Kelly kaya napailing-iling kami parehas ni Sandra.

“Pero hindi na, hindi ko na aagawin si Kirsten kay Mella.” Nakangiting sabi ni Kelly.

“Crush mo talaga?” tanong naman sa akin ni Sandra. 

“Ang ingay niyo, tara na,” sabi ko. Sabay kaming lumabas at gusto pang sumama ni Arnold kaya tumakbo ako at sumabay rin sila.








“Grabe ka naman, para namang monster si Arnold,” sabi ni Kelly habang inaayos ang buhok niya na nasira raw dahil sa hangin kakatakbo namin. Tumawa lang ako sa kanilang dalawa. Nakarating rin kami sa basketball court na sinasabi ni Kelly. Agad ko namang nakita si Kirsten pero dalawa lang sila na naglalaro. Lalaki pa kalaban niya.

“Oh lahat ba ay bading na?” Napalingon kami sa sumigaw na may megaphone pa. Isang babae na parang boto kay Kirsten. 

“Nababakla na talaga ako sa kanya!” sigaw ni Kelly habang yinuyuyog ang braso ko. 

“Ano ba masakit!” sigaw ko sa kanya.

“Go Franco!” sigaw naman ni Sandra. Sa lalaki yata na kalaro ngayon ni Kirsten.

“Bakit sila lang naglalaro?” tanong ko.

“Eh past time lang naman nila ‘to, hindi pa naman training o laro,” sagot ni Kelly. “Isa pa magkaiba ang women's team at men’s team.”

Tumango lang ako bilang sagot.  Hati kaming mga nanunuod may boto kay Kirsten tapos may boto sa lalaki. Para namang talagang may laro. Wala ring coach ngayon, mapapatambay ka nalang talaga dito. 

Sunod-sunod ang shoot ni Kirsten sa ring. Halos magkasingtangkad lang rin sila. Pero napasigaw ako at ang karamihan nong biglang natumba si Kirsten. 

“Hoy! Tinulak siya!” sigaw ni Kelly. Tumakbo ako para sana puntahan siya kaso may mga agad na tumulong at umalalay sa kanya. 

“I’m fine.” rinig kong sabi ni Kirsten. Ilang hakbang nalang kasi malapit na sana ako sa kanya. Kaso nahihiya ako sa iba. Umayos nalang ako ng pagtayo at napahigpit ng yakap sa laptop bag ko. 

“Pagamot muna natin ‘yan,” sabi ng isang lalaki na umaalalay sa kanya. May sugat siya sa kanang kamay at siko niya. Nakita ko kasi, malakas ang pagkatumba niya. Tumingin ako sa lalaki na parang wala lang at masama pa ang tingin kay Kirsten.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon