46: Birthday
"Sigurado ka ba dito Troy?" tanong ko sa kanya nang makalabas ako ng room ko. Pinagpalit niya ako ng damit pagkatapos kaming ihatid nila mama dito sa apartment. Tumango naman siya bilang sagot.
"Baka pagalitan tayo parehas!" sigaw ko at isa pa mapahamak pa kami,
"Hindi naman kita papabayaan, nakabantay pa rin ako sayo, this is your birthday you deserve to celebrate, araw-araw ka kaya malungkot. Pumapangit ka na," sabi niya. Inirapan ko siya, napahaplos tuloy ako sa pisngi ko. Panget na ba ako?
"Tara na!" tapos hinila niya ako bigla.
Susunod raw kami sa Party fun, kung nasaan ngayon sila Kelly. Ayoko sana pero parang masaya naman. Sayang lang rin kung hindi ako makakapunta. Hindi rin naman ako kinakabahan ngayon dahil kasama ko naman si Troy.
The best pinsan kahit bully.
"Hindi mo pa nga sinasabi sa akin kung ano problema niyo, baka mamaya umalis ka na rin sa bagay niyo," sabi niya nang makasakay kami ng jeep.
Muntikan na nga, pero tama si Kirsten. We don't need to be selfish. Ewan, nalilito ako, dahil gusto ko talaga siyang makasama pero tama rin siya ayokong saktan sila mama at papa.
"Ang daldal mo talaga, pero thank you Troy," sabi ko at yinakap siya. Hindi naman masikip dito sa loob ng jeep.
"Yucks!" sigaw niya kaya sinuntok ko siya sa braso niya.
Nakarating kami sa party fun at agad rin naming nakita sila Kelly. Sumasayaw na at nagiinuman na rin sila.
"Mella!" sabay nilang sigaw ni Sandra at agad akong sinalubong.
"Mabuti naman girl! lumabas ka! minsan lang 'to!" sigaw ni Kelly tapos agad niya akong inabutan ng canned beer. Umiinom naman ako pero hindi tulad nila. Parang sakto na ang isang 'to.
"Paupuin niyo naman ang birthday girl."
Pinaupo nila ako tapos pinilit pa nilang isuot sa akin ang birthday hat na hinanda nila. Nakabantay lang sa tabi ko si Troy.
"Uminom ka pa Troy," sabi ni Kelly. Tapos tumango naman ako bilang pagsangayon, ako kasi nakailang beer na rin ako, sabi ko nga isa lang.
"Hindi na baka hindi kami makauwi parehas," sagot niya. "Ito na nga tumatawag sa akin si tita, excuse me lang ah," sabi niya tapos agad na tumayo.
I felt guilty and sad for my cousin. Nadamay pa siya. Tinignan ko naman ang cellphone ko, nakailang tawag na pala si mama kahit anong oras na ng gabi.
"Grabe 'no?" tanong ni Kelly sa akin habang nakanguso kaya natawa ako.
"Sandra kasalanan mo 'to!" Rinig kong sigaw ni Kelly pero ang totoo hindi ko alam kung sino sa kanila ang maingay. Parang marami na akong naririnig at kanina pa ako tumatawa, parang lahat sila nakakatawa.
"Anong ako? ikaw! ikaw may idea nito eh!"
"Mabilis pala siyang malasing, nakailan pa nga lang tayo eh."
"Mella, tara na." Napalingon ako sa katabi ko, si Troy at bigla akong natawa sa mukha niya. Kahit ang boses niya nakakatawa.
"At least happy siya, hindi siya umiiyak."
"Ano ba tinatawanan niya? haha natatawa tuloy ako."
Parang may kumikiliti sa akin at hindi ko alam parang gustong lumabas ang kakulitan ko sa katawan. Tumayo ako at sumayaw. Sumunod lang ako sa tugtog.
"Yeah! go girl! Para sa awit sayaw natin!" Hindi ko alam kung sino ang sumisigaw sa akin dahil lahat ang ingay!
"Mella, tara na, mukhang hindi mo na kaya."
"Troy ano ka ba, hindi pa ako lasing," sagot ko sa kanya. Pero ang totoo niyan parang nahihilo na nga ako eh. Pero alam kong hindi pa ako lasing.
Naramdaman ko ang pagkawak ni Troy sa braso ko. Pero bigla namang may humablot sa akin at yinakap ako sa bewang. Mabuti na nga lang niyakap ako agad kung hindi mawawalan ako ng balanse.
"What are you doing?."
Tumaas ang isang kilay ko dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.
"Chill, she's with me."
Napalingon ako kay Troy at bakit parang galit siya. Sino ba 'tong nakayakap sa akin?
"I'll take care of her."
"Hindi pwede!"
Bakit ba sumisigaw si Troy.
"Chill Kirsten, pinsan niya 'yan, siya ang pinsan niya!" Napalingon ako kay Kelly dahil sa pangalang binanggit niya. Kirsten? may kaklase ba kaming Kirsten o iniinis niya ako? alam naman niya ang nararamdaman ko kapag binabanggit ang pangalan niya.
"Kirsten?" pagbanggit ko sa pangalan niya. Inangat ko naman ang tingin ko sa nakayakap sa akin.
Kirsten?!
Natawa ako bigla. Siguro tama nga si Troy, marami na akong nainom at lasing na ako kaya kung sino-sino na nakikita ko. Tumayo ako ng maayos at tinawag si Troy.
"Tara na Troy," sabi ko at pinipigilan ko lang naman ang luha ko.
Namimiss ko na talaga siya kaya ngayon nakikita ko na tuloy siya kahit wala naman siya. Inayos ko ang buhok ko at pinunasan agad ang luha ko. Pero dahil sa sobrang sakit na ng ulo ko ay bigla akong nawalan ng balanse.
Hinayaan ko nalang ang katawan ko dahil alam ko namang nandiyan si Troy para saluhin ako.
–