38: Love
Pumayag naman si mama pero biglang ayaw na niya akong paalisin, para sumama kayna Kelly. Hindi pa raw kasi niya nakikilala ang mga kaibigan ko. Natatakot siya sa pwedeng mangyari sa akin, kahit anong kulit ko. Ayaw ni mama. Pero naghahanda pa rin ako ng mga dadalhin ko, it's already 6 am kailangan nasa terminal na ako by seven.
"Basta apo, bumalik ka kaagad," sabi ni mommy. Mabuti nalang nandito pa kami kayna mommy at daddy, sila ang pumayag hindi sila mama at papa.
"Masiyado niyo namang kinukunsente yang apo niyo." Rinig kong sabi ni mama. Ang iniisip ko lang ngayon kasama namin si Kirsten. Sigurado akong magugulat sila Kelly.
"Anak, ngayon lang lalabas ang anak mo, college na siya. Masiyado kayong naghigpit sa kanya noon. Payagan niyo naman kahit minsan," sagot ni daddy. Kaya mahal ko sila. Yinakap ko sila mommy at daddy.
"Thank you po," sabi ko.
"Bumalik ka kaagad," sabi ni mama. Alam kong hindi niya gustong umalis ako, pero ito na, ready na ako sa suot ko at ready na rin ang bag ko.
"Bye mommy, daddy," pagpaalam ko. Hindi ko pinansin si mama dahil alam kong hindi rin naman niya gustong pansinin o kausapin ko siya. Tuwing sinasabi kasi niya na wag, bawal palagi lang akong sumusunod. Ngayon lang naman 'to.
Simula nang nawala si kuya, hinigpitan na rin nila ako. Lahat ng iniwan ni kuya napunta sa akin. Nakakasakal.
Pagkalabas ko ay agad akong sumakay ng taxi papunta sa Waltz terminal.
Agad kong nakita sila Kelly pagkababa ko. May kasama silang isang lalaki, sigurado akong ito na ang boyfriend niya.
"Boyfriend ko guys, Miguel," sabi niya at nakipagkamay kami kay Miguel. Ito pala ang boyfriend niya. Bagay sila parehas silang cute.
"Tara na?"
"Wag," sabi ko kay Sandra.
"Bakit? kumpleto na tayo," sagot niya.
"May kasama ako," sabi ko. Nahihiya pa ako, hindi ko kasi agad sinabi sa kanila.
"Sino?" tanong ni Kelly. Kinuha ko naman ang phone ko.
Mella:
sn k na?
Kirsten:
I'm at your back already.
Napalingon ako sa likuran at nakita si Kirsten. Napangiti ako, kagabi pa ako kinakabahan. Kagabi pa ako isip ng isip sa kanya, baka hindi kami magkita, hindi kami magkasama. Sobrang takot ko kagabi.
"Siya kasama ko," sabi ko sa kanila. Nakita kong natigilan sila at natulala, lalo na si Kelly.
"Ah, my girlfriend," sabi ko nang makarating si Kirsten sa tabi ko.
"Good morning." Pagbati ni Kirsten sa kanila.
"Oh my Gosh! Kirsten Ecero? seryoso ka girl!" sigaw bigla ni Kelly. Alam ko talagang ganito ang reaksyon niya, kinurot naman siya sa tagiliran ni Sandra.
Tumingin ako kay Kirsten at inabot ang kamay niya.
"OMG! Paano? paano?"
"Mamaya na 'yan, tara sa bus, baka maiwan tayo maghihintay pa tayo sa isa," sabi ni Sandra. Bigla naman akong hinila ni Kelly.
"Tayo muna ang magkatabi, kailangan kong malaman bakit at paano," sabi niya sa akin at parang gigil pa sa akin. Sumakay kami ng bus marami pa namang bakante. Magkatabi kaming tatlo nila Kelly, tapos sila Miguel at Kirsten sa likuran namin.