18: Jacket
"Natatawa talaga ako sa push-ups ni Arnold!" Natatawang sabi ni Kelly nang makarating kami sa banyo para magpalit ng uniform namin. Katatapos lang ng path fit namin eh.
Nakailang squats rin kami ngayong araw. Nagsisimula na talagang mapagod ang katawan ko.
Mella:
Crush!
Kirsten:
Oh?
Napangiti ako nang mag-reply agad si Kirsten. After I changed kinuha ko agad phone ko para makausap siya. Nakakailang convos na rin kami sa isang araw.
Pero walang pagbabago crush ko pa rin siya, at siya? Sa akin? Hindi ko alam.
Mella:
:3
Kirsten:
??
Minsan kahit ano lang chat ko sa kanya. Maulan pa rin hanggang ngayon, napasilip ako sa bintana at malakas nga ang ulan ngayon.
Mella:
Umuulan.
Kirsten:
I know.
Mella:
Ingat ka.
Kirsten:
Of course.
Minsan talaga ang tipid niya, minsan naman makulit siya. Kaya nakakalito. O ako lang nalilito? Kasi may crush ako sa kanya.
Pagkalabas namin ay dumiretcho agad kami sa coffee shop.
"Ano sa inyo? Treat ko na," sabi ni Kelly.
"Iba hindi siya kuripot ngayon." Natatawang sabi ni Sandra.
"Ah, change my mind."
"Oy joke lang!" Sigaw agad ni Sandra.
Mella:
Anung gngwa mu ngyon?
Dumiretcho na si Kelly sa counter at nghintay nalang kami sa kanya.
Kirsten:
Studying.
Minsan naiisip ko kung nakakaistorbo ako sa kanya pero minsan naman kapag makulit siya baka mmiss niya ako.
O ang feeling ko lang?
"Oy Arnold!" Tawag ni Kelly nang makabalik siya. Napalingon kami at sila Arnold nga.
"Hi babe," sabi niya sa akin at agad na tumabi sa akin.
"Sila Kirsten." Pabulong na sabi ni Kelly kaya agad akong napalingon sa entrance.
It's her, wearing a jacket and a cap. Kasama niya yung babae dati. Napanguso ako.
"Eh selos yan?" Natatawang tanong ni Kelly.
"Bakit ba kayo kinikilig sa babaeng 'yan, wala naman yang ano–" bago pa matapos ni Drew sasabihin niya binatukan na siya ni Kelly.
"Walang ano?" Mataray niyang tanong.
"But I heard she has a boyfriend, so she's straight?" Napalingon kami kay Alexander.
"Ha? Single siya 'no, pero oo straight siya," sagot ni Kelly tapos lumingon sa akin at parang nalulungkot pa mukha niya. Aasarin na naman nila ako.
Sa likuran namin pumwesto sila Kelly. Napatingin naman ako sa sociant ko.
Kirsten:
You?