48

499 14 0
                                    

48: Smiled

I woke up wearing Kirsten's oversized shirt. Dahil mas matangkad siya sa akin kaya sobrang luwag niyang tignan sakin. It was not a dream, pero pagkagising ko agad naman siyang nawala. I hate her! Dahan-dahan akong tumayo at napatingin sa wall clock, it's already 11 am. Late na pala ako nagising.

My body is tired.

Pumunta ako ng banyo at tinignan ang aking sarili sa salamin. Bagay rin pala sa akin ang t-shirt niya. Teka bakit ako nakangiti? iniwan nga ako diba. Wala na siya sa tabi ko, pagkatapos namin gawin 'yon!

Hindi kaya niya ako pinatulog!

"Kirsten." Inis kong bulong nang I saw a love bite sa leeg ko. Pero okay lang binigyan ko rin naman siya dahil sa inis ko.

Agad akong naligo at naghanda para pumasok. I still have class baka nakakalimutan ko na. I can't fail this semester. Nang matapos ako ay may bigla namang kumatok. Binuksan ko kaagad ang pinto ko and saw Troy.

"Ano? masarap ba tulog mo?" Inis niyang tanong.

Sobra.

"Bakit?"

"Sus! ako pa inaano mo! nakapaglinis ka ba diyan sa loob, dahil papasok ako, baka nagkalat kayo ah!"

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Wala naman kaming masiyadong ginawang kalat except for my... clothes na kinuha ko na kanina pa. Teka, if Kirsten left her shirt, anong sinuot niya?!

Gosh!

"Ayon naman pala, may girlfriend ka naman pala, oy, kumpleto na kayo ah! Kuya mo bakla ikaw tomboy oh!" Natatawa niyang sabi kaya agad ko siyang binatukan. Lakas pa ng tawa.

"Hindi ako tomboy, and besides you can't just say tomboy sa kahit anong oras o kanino."

"Wala naman akong sinabing masama, teka, ito ba dahilan bakit mahigpit sayo sila tita? grabe ah."

"Oo," sagot ko.

"Sa bagay, gusto kasi nila makapagtapos ka muna. Matatanggap rin nila 'yan. Teka, bakit naka turtle neck ka eh, ang init init!" Natigilan ako sandali nang mapansin pa niya ang suot ko.

"Wag ka ngang mangealam!" sigaw ko.

"Sus! magpasalamat ka sa akin, hinayaan ko yung girlfriend mo na ihatid ka dito kagabi."

"Kagabi?"

"Oo, Kelly invited her to surprise you sana, kaso nalasing ka na eh. Muntik ka pang matumba mabuti nalang agad ka niyang naalalayan."

So it was her not Troy? after sa party fun?

"Please wag mo 'tong sabhin kayna mama."

Ngayon lang pumapasok sa isipan ko ang lahat ng nangyari.

"Hindi ko sasabihin, ayokong mapahamak ka, at nasa side mo ako, basta wag mo lang pabayaan pag-aaral mo at hindi siya magiging distraction sayo."

Nagsimula akong magkwento kay Troy. Nagsimula ako sa una kaming nagkakilala ni Kirsten at hanggang sa napunta kami sa ganitong sitwasyon.

"Oh pinapabigay niya," sabi niya at inabutan ako ng isang papel na nakatiklop ng maayos. "Bago siya umalis, dumaan siya sa akin."

Sabay kaming lumabas ng kwarto at don ko na binuksan ang papel tapos agad kong binasa ang nakasulat.

Sorry I have to leave you, tumawag kasi professor namin. Ang hirap mong gisingin love. I left 10:11 am. Iniwan ko ang isang extra t-shirt ko sa bag sayo. I really need to leave. Kailangan ko pang maghanda papuntang University. Love you.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko pagkatapos kong basahin 'yon. Mabuti naman hindi lang talaga niya ako basta iniwan.

"Thank you Troy!" sigaw ko at yinakap si Troy.

"Aray! ang bigat mo!" sigaw niya at itinulak ako ng mahina.

"Basta, mag-ingat ka rin ah, kapag ito malaman ng mama mo, marami pa naman mga mata 'yon."

"Oo." Nakangiti kong sabi.

Hanggang sa makapasok kami at makapasok ako sa mga classes ko at sabay pa kami nila Kelly gumawa ng plates sa loob ng library. Sakto lang rin dahil hinintay rin nila ako matapos sa duty ko.

"Mabuti pinapasok ka ng guard?" tanong ni Sandra, ako lang kasi hindi nakasuot ng uniform.

"Ah, kasi sabi ko isa lang uniform ko at hindi natuyo kagabi," sagot ko.

"Hmm, so masaya ka ngayon?" Nakangiting tanong ni Kelly.

"Bakit?" tanong ko.

"Siya naghatid sayo kagabi, nakapagusap ba kayo?" tanong ni Kelly.

"Hindi," sagot ko.

"Ay, sayang, hinatid ka lang ba niya?"

Naramdaman ko ulit ang paginit ng magkabila kong pisngi. I know I'm blushing. Hindi lang naman kasi niya ako hinatid kagabi.

"Ah siguro, lasing ako non eh. Nakatulog siguro agad ako," sagot ko habang pinipilit na pinapakalma ang sarili ko.

Nalaman ko rin kay Kelly na nilapitan pala siya ni Kirsten, to ask about me. Napahawak naman ako sa pendant ng necklace ko. Kaya nga niya nabigay rin 'to sa akin dahil kay Kelly. The best talaga sila ng pinsan ko.

"Girl, Kirsten na sinulat mo diyan! ano ka ba! sayang!" sigaw ni Sandra sa akin at pinalo ako sa likod. Napamura naman ako bigla, I have to redo this again!

"Ayaw pa naman ng kalat ni sir!" sigaw niya sa akin. Nakakapagod pa naman 'to, lalo na sa pagsusulat ng pangalan.

"Gawan nalang natin ng paraan 'yan," sabi ni Kelly.

"Si Kirsten 'yon diba?" Napatingin naman ako kay Sandra at pinalingon niya ako kung saan siya nakatingin. Si Kirsten nga. Please look back, please.

She looked back!

and smiled at me.

Hindi ko naman napigilan ang ngiti ko.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon