43

460 10 0
                                    

43: Distance

Loving her from a distance. Teka, parang it's like loving someone that you can't be with. This is only temporary right?

Babalikan niya ako diba?

"Ano ba 'yan ikaw itong matanda sa akin ng isang taon tapos ako ang pinapabantay sayo?" Napalingon ako sa pinsan kong lalaki na sobrang daldal. Kanina pa siya nagrereklamo sa akin. Kasama ko rin siya sa isang apartment. Pinalipat na kasi ako ni mama, nakakalungkot nga nong lumipat ako sabi nila ate, umalis na rin si Kirsten.

"Eh di sabihan mo si mama," sagot ko sa kanya. Sila nagpapaaral ngayon sa pinsan ko para rin samahan ako. Hindi na nila naisipan na ilipat nalang ako ng school this is where papa graduated. Kaya gusto niya ring dito ako makapagtapos.

Araw-araw nakakatanggap ng message si Troy ng mga messages kay mama, tinatanong kung kumusta ako, asan na ako. Gumala raw ba ako. Lahat ng kilos ko binabantayan at dapat every saturday umuwi ako sa amin.

Mas naging mahigpit sila sa akin at mas naging tahimik na ngayon ang bahay. They still accepted me nong bumalik ako sa kanila at iniwan si Kirsten. Pero nakatanggap muna ako ng ilang sampal kay mama bago ako nakaapak ng bahay namin ulit.

"Ano ba kasing ginawa mo?" tanong niya habang puno pa ng pagkain ang bibig niya. Nakipagaya kasi siyang kumain sa canteen, dahil sa kanya hindi tuloy ako nakasama kayna Kelly, pero sa bagay binabantayan nga niya ako.

I'm already a 2nd year student. Siya naman freshmen, IT student.

"Kung hindi lang ako nahihiya kay tita, pake ko sayo!" sigaw niya sa akin.

"Tumahimik ka na nga lang," sabi ko. I'm still a working student at sobrang hirap dahil marami na akong plates na kailangang tapusin.

"Kanina pa nakatingin sa akin ang magadang 'yon," sabi niya bigla.

"Ha sinong maganda?" tanong ko. Tapos ngumuso siya bigla, para ituro sa akin kung sino ang sinasabihan niyang maganda.

Napalingon ako sa likuran and it's Kirsten.

I smiled at her but she didn't smile back. Bakit?

Alam ba niyang sinasaktan niya ako? ito ba ang sinasabi niyang maghintay kami, ibig sabihin rin ba nito hindi na kami pwedeng magpansinan?

"Hindi siya nakatingin sayo, ang feeling mo," sagot ko.

Lumingon ako ulit sa likuran at nakita ko si Ethyl na nakayakap sa braso niya. I remember hugging her arms every time we walked together.

Pero sabi niya, magtiwala lang ako sa kanya.

Kahit na! bakit hinahayaan niyang yakapin siya ni Ethyl, alam naman niyang may gusto sa kanya ang tao!

Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Teka! iiwan mo ako?"

"Oo! kumain ka mag-isa!" sigaw ko sa pinsan ko at lumakad na palabas ng canteen.

Hindi ko na naman napigilan ang luha kong tumulo sa mga mata ko. Palagi nalang ba akong iiyak habang hinihintay siya? kailangan ba ganito kasakit?

I'm turning 20 next month, siguro hindi na bata ang tingin nila mama sa akin diba?

"Nakakainis," sabi ko at pinunasan ko ang luha ko gamit ang mga kamay ko. Pati sa umaga? iiyak ako? Wala na bang katapusan 'to? Graduating student na siya, iiwan na niya ako ng tuluyan. Paano kung hindi niya ako balikan?

Nakakabaliw pala magmahal. Akala ko ang dali lang.

Mas masakit pala ang ganitong hiwalayan, hindi mo alam kung may babalikan ka pa ba, may babalik pa ba sayo. Mas gusto ko pa yung break up namin ng first ex ko. Hindi ganito kasakit.

Hindi ba niya alam kung gaano kasakit 'to?

Nasasaktan rin ba siya? o immature lang ako para sa ganitong sitwasyon?

Hindi ko na nga siya magawang i-chat eh. Kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Maghihintay lang ba ako, wala akong gagawin? wala kaming ibang gagawin? Paano kung magmahalan nalang ulit kami ng patago?

Pero nandito si Troy, hindi ko rin kasi masabi sa kanya ang stiwasyon ko.

Naghihiwalay lang kami ni Troy kung may class siya at may kailangan akong puntahan na school related. Hindi naman mahigpit sa akin si Troy, he just also wants me to be safe, hindi niya naman alam kung bakit mas hinihigpitan na ako nila mama.

Isa si Troy sa mga kaaway-bati ko sa lahat ng pinsan ko. Hindi naman rin ako naiilang sa kanya kahit nasa iisang apartment building lang kami, pero magkaiba naman kami ng room. It's just a studio type apartment.

Malungkot lang dahil wala akong ibang kasama.

"Ready ka na? ano bang kanta ang gagamitin mo?" tanong ni Kelly sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagpapilit akong sumali ng dance try out. Hindi naman ako sumasayaw. Lahat raw kami required mag-audition dahil kulang pa raw ang dapat na isasali sa awit-sayaw.

Eh competitive pa naman itong program namin.

"Ano sasayawin mo? kpop ba?" tanong ulit ni Kelly.

"Oo," sagot ko. Para akong batang inaway at pinilit.

"Alam mo mag-enjoy ka nalang, para hindi mo masiyadong isipin rin si Kirsten mo," sabi ni Kelly kaya inirapan ko siya. She knows everything. Syempre mababaliw rin ako kung wala akong makakausap sa sitwasyon namin ni Kirsten ngayon.

Sabi nila, mag-enjoy nalang ako sa college life ko dahil mamimiss ko rin 'to in the future. Pero parang umiikot na lang yata ang mundo ko sa kanya. Ang hirap, ang hirap na iniisip ko pa siya habang kailangan kong mag-aral ng mabuti.

Kasi kung hindi ako makapagtapos paano ko rin maipaglalaban ang mga gusto ko. Kailangan may mapatunayan muna ako.

"Next!"

"Oy ikaw na!" sigaw sa akin ni Kelly tapos bigla akong itinulak.

Alam naman niyang hindi ako ready. Paano magiging ready eh ang lawak ng gymnasium namin. Nag-umpisa ang music kaya agad akong sumayaw.

Ito na yata ang pinakanakakahiyang bagay na ginawa ko.

Kung hindi lang para sa extra points, pangdagdag sa grades hindi ko talaga gagawin 'to!

Nawala bigla ang energy ko nang nakita ko si Kirsten na nakatingin sa akin. Tapos nakita ko pa siyang tumawa. Iniinis niya ba talaga ako?

Bakit niya ako tinatawanan?

"Yehey! ang galing naman ng best friend namin!" sigaw ni Kelly tapos nakita kong tumatawa si Sandra.

"Naku kapag kayo kumuha ng video ko!" sigaw ko sa kanila.

"Haha ang cute mo nga eh, malambot pala itong best friend namin," sabi ni Sandra. Hindi ko nalang rin napigilan ang tawa ko dahil sa kahihiyan.

"Ah kainin na sana ako ng lupa!" sigaw ko.

Hinanap ko naman si Kirsten, pero nawala siya bigla. Saan pumunta 'yon? Napabuntong hininga ako. Gusto ko na talaga siya kausapin pero paano? kung siya mismo ang lamig na niya kaya nahihirapan rin akong lumapit.

Ang hirap naman palang mahalin siya sa malayo.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon