32: Rest
Nakarating kami ng bahay at sinalubong naman agad kami ni mama. Napatulala pa siya sandali dahil kay Kirsten. Kinabahan pa nga ako dahil akala ko makikilala niya si Kirsten nong una niya itong nakita sa dormitory. But I’m confident, mom is not good at remembering faces. Mabilis lang siya makalimot.
“Ang tangkad mo iha, sumasali ka ba ng beauty pageants?” tanong ni mama nang makapasok kami ng bahay. Parang nakalimutan na nga ako ni mama at si Kirsten na ang sinamahan. Alam kong gandang ganda si mama kay Kirsten.
“Hindi po,” sagot ni Kirsten.
“Talaga? sa gandang mong ‘yan, ito nga si Mella, elemtary hanggang junior high pinasali ko yan kaso ayaw talaga,” sabi ni mama. “Bakit ba ayaw niyo, sayang.”
Napailing-iling lang ako sa sinabi ni mama. Pero habang naglalakad kami ay kinakabahan ako. Guilty siguro.
“Maghahanda lang ako ng pagkain,” sabi ni mama. “Feel at home iha.”
Dinala ko siya sa itaas at sa kwarto ko. Mabuti nalang palagi ‘tong nililinisan ni mama at walang kalat. Nakakahiya naman na dalhin ko siya ditong makalat diba. Purple and pink pa naman rin ang theme ng kwarto ko.“Cute?” tanong ko sa kanya.
“Yeah. Just like you,” sagot niya.
“Dito tayo matutulog mamaya,” sabi ko at umupo sa gilid ng kama ko. Pinaupo ko rin siya sa tabi ko.
“Your mom seems nice,” sabi niya sa akin.
“Oo, pero kung malaman niya itong pagsisinungaling natin hindi ko alam kung masasabi mo pa bang nice siya.” Natatawa kong sabi sa kanya.
“I’m ready for that,” sabi niya kaya kinabahan namana ko.
Ready naman rin ako, pero ito na nga, kung nandito na pala at kung mangyayari na, nakakakaba pala. Parang may humahabol sa akin na ewan. Pero kahit ano naman gawin nila, hindi na nila ako mapipigilan.
“Wag muna ngayon ah,” sabi ko. “Baka hindi mo kayanin si papa. Malaki si papa.”
May sarili kaming gym sa bahay at si papa lang ang gumagamit non.
“Yeah, I know. Maghihintay lang ako sayo,” sagot niya.
Sumilip naman ako sa pinto at tumayo. Ni-lock ko siya at bumalik sa harapan niya. Inangat naman niya ang tingin sa akin.
“What?” tanong niya. Ngumiti naman ako at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.
“Mella,” sabi niya at hinawakan ang magkabilang kamay ko na nasa balikat niya. “Kapag mahuli tayo, what will you do?”
“Naka-lock naman ang pinto eh,” sagot ko sa kanya.
Tumayo siya bigla at yinakap ako. I hear her long inhale as she sniffs my hair, na palagi na niyang ginagawa, it’s like she’s completely drawn to it.
Umiwas siya sa yakap at hinawi ang buhok ko sa likod ng aking tenga.
“Bakit?” Natatawa kong tanong dahil nakatitig na naman siya sa akin. Gusto niya ba akong tunawin?
“Wala lang I just–” Naputol ang sasabihin niya nong biglang may kumatok.
“Si mama siguro,” sabi ko at agad na binuksan ang pinto.
“Ma?”
“Ay wala lang, just want to make sure na comfortable ang friend mo.” Nakangiti niyang sabi.
“Ay oo naman ma, hindi na siya makakapagreklamo sa kwarto ko,” sagot ko sa kanya.
“Gusto ko ring tanungin kung may gusto siyang ipaluto? baka hindi siya kumakain ng kalderetang manok o pritong isda,” sabi ni mama. Tumingin ako kay Kirsten, nakatayo lang siya at nakangiti sa amin. Maganda na talaga siya kahit walang effort.
“Ma, kakain ‘yan ng kahit ano,” sagot ko. Base naman sa character ni Kirsten marunong siyang rumespeto. But not sure though kung magugustuhan niya.
“Ano ba gusto mong ulam iha?” tanong ni mama kay Kirsten at hindi ako pinakinggan.
“Kahit ano po tita, kumakain po ako,” sagot ni Kirsten.
“Sige sige, maiwan ko kayo ulit, tatawag nalang ako,” sabi ni mama tapos lumabas na ng kwarto. Isinara ko naman ulit at lumapit sa kanya.
“Saan na nga pala tayo?” tanong ko at ginulo lang niya buhok ko.
“Nandito tayo sa bahay niyo,” sagot niya. “Sa kwarto mo.”
Napanguso ako, si mama kasi. Kung si mama naman mabait naku hindi ko alam kay papa, hindi kasi makitao ‘yon. Mahirap rin intindihin kung nagugustuhan niya ba ang tao o ang isang bagay pero mabait siya.
Hinila ko si Kirsten sa higaan ko.
“Mahiga lang muna tayo, mamaya pa matatapos si mama. Gutom ka na ba?” tanong ko.
“Not yet,” sagot niya. I lied down first and I tapped my side
“Dali na,” sabi ko.
“Alright.”
Para siyang batang napilitan, wala naman kasi kaming masiyadong gagawin. Isa pa, malapit na ang summer break. Baka matagal pa bago ko siya makita ulit. Pero sigurado akong babalik ako ng Alvarez kahit walang pasok. Pipilitin ko si mama, at tatanungin ko pala siya kung sasama ba siya sa sinasabi nila Kelly na pupuntahan namin, pero una tatanungin ko muna si mama.I placed my head on her arms and hugged her.
“Ayoko ng malayo sayo,” sabi ko. “Sarap mo kasing yakapin lagi.”
It always feels like home when I’m with her. Pakiramdam ko rin ligtas ako. Magaan rin palagi sa pakiramdam, yung parang tipong lahat ng pagod ko nawawala.
She’s my rest now.
Hindi ko naranasan ‘to sa ex ko. Hindi ko naranasan kayna mama. Oo, they always spoil me, minahal at hindi pinapabayaan. Pero takot pa rin ako sa kanila, lalo na nong pinalayas nila si kuya. Nakapagtapos na nga si kuya eh, fine arts, nakaya niya mag-isa.
I felt her fingers running through my hair. It makes me sleepy. It makes me relax. She’s also touchy. Is this her love language?
–
Fb: @Lisnaej / @lisnaej