42

423 12 1
                                    

42: Trust

Nakaabot pa ako sa huling bus ngayong gabi. Agad akong bumili ng ticket at sumakay para makabalik ng syudad, iniwan ko ang motor ni kuya sa terminal. Agad naman akong nagtanong kung saang hospital.

Hindi pwede gawin 'yon ni papa sa kanya katulad ng ginawa niya sa boyfriend ni kuya! Kaya nga umalis si kuya, kaya nga napilitan siyang iwanan sila.

My woman. My love.

Hinayaan kong masaktan siya. Wala akong pakealam kung anong sabihin sa akin ng mga tao. Ano man ang maging tingin at isipin nila sa akin, dahil sa kakaiyak ko.

Drew:

Don't worry she's fine.

Huling mensahe ni Drew sa akin bago ako makababa ng bus. Sumakay nalang agad ako ng taxi papuntang East Alvarez Hospital, ang hospitak na sinabi ni Drew sa akin.

Hindi ko na iniisip kung anong mangyayari sa akin mamaya. Hindi ko na rin ngayon naiisip ang mararamdaman nila mama. Ang importante sa akin makita si Kirsten.

Sinabi naman agad sa akin ni Drew kung anong room si Kirsten.

Nandito na ako sa tapat ng pintuan pero hindi ko magawang buksan ang pinto. Kinakabahan ako. Nahihiya ako.

"Iha?"

Napalingon ako sa nagsalita and it's Kirsten's mother.

"Tita." Pagtawag ko sa kanya.

"Kumusta ka? Okay ka lang ba?"

Kahit ayoko ng umiyak ay hindi ko pa rin napigilan. Nahihiya nga akong humarap sa mommy niya. Hindi ko alam kung ano ang buong detalye at ano ang ginawa ni papa, kasalanan ko 'tong lahat.

"Tita..."

Yinakap niya ako.

"Shh Kirsten is fine. Nagpapahinga lang siya, mamaya pwede na kaming lumabas."

Mahinahon magsalita si tita at mas lalo akong kinakabahan.

"Sorry tita," sabi ko.

"Wala kang kasalanan, it's Kirsten's decision." Umiwas siya sa yakap at kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"It was Kirsten's choice to face him. Pumasok na tayo?"

Hindi ko man maintindihan ay hinayaan kong buksan ni tita ang pinto. I saw Kirsten standing already and she's trying to walk.

"Magaling na nga ako," sabi niya sa kausap niya. It's Ethyl.  "Nakakapaglakad pa ako."

"The doctor told you to rest," sagot ni Ethyl.

"I need to know she's okay," Kirsten answered.

"Anak?" Pagtawag ni tita sa kanya.

Agad naman niyang nakuha namin ang atensyon niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na yinakap siya.

"Mella." Humigpit ang yakap ko nang marinig kong bigkasin niya ang pangalan ko.

"Kirsten."

"Love."

Naramdaman ko ang pagyakap ng kanyang mga braso sa akin.

I missed her so much.

"Anong ginawa ni papa? Anong ginawa mo?"

She has bruises.

"Bakit?"

Nakuha niya lahat ng 'to dahil kay papa, dahil sa akin.

"I just needed to know if you're okay, I was scared they might hurt you. I'm sorry Mella."

I felt my heart shattered when I saw her tears.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon