03

791 30 0
                                    

03: Play

Agad kong pinatay ang alarm ko dahil ako lang ang may maaga na pasok dito sa kanila. Bakit kasi may 7:30 masiyadong maaga. Hinanda ko na muna ang susuotin ko at dumiretcho na sa banyo. Sa loob naman hiwalay ang toilet at shower.

Tsaka sobrang linis ng banyo dito.

"Sorry," agad kong sabi nang makita kong lumabas si Kirsten sa banyo. Pero hindi niya lang ako pinansin.

She's wearing a varsity short tapos kulay puti na shirt.

Pumasok na ako sa banyo at binilisan ko na ang kilos ko dahil ayokong ma-late, ayoko ring tumakbo para hindi lang ma-late. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako. Tulog pa sila ate.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Kirsten, may motor siya? At ang gara tapos malaki pa. It's color white too , malinis. Napatulala pa ako sandali at pinagmasdan siyang isuot ang helmet niya.

Sana all.

Nagsimula na akong maglakad nang makaalis na siya. Kailangan ko pa pala dumaan sa library. Pagkarating ko sa school ay sumakay agad ako ng bus papuntang library.

Pagkarating ko ay kilangan ko pang i-describe kung anong klase ang wallet ko. Next time talaga hindi ko na kakalimutan.

Dumiretcho na rin ako sa first class namin kaya sumakay ulit ako ng bus papunta sa baba. Yung iba kasing classrooms nasa baba lang.

Nang makarating ako at makarating sa hallway ay agad kong hinanap ang room ng first subject ko.

Hindi ko rin inaasahan na magkakasalubong kami ni Kirsten. May dala-dala na rin siyang bola sa isang kamay niya at sigurado ako teammates niya siguro ang nasa likuran niya.

Hmm I wanna see her play.

Sa tangkad niya pwede na rin siyang sumali ng beauty pageants.

Nasa tapat na rin pala ako ng room na hinahanap ko. Tumingin ulit ako sa kanya bago pumasok ng classroom.

"Section b? Calculus?" Tanong ko sa isa sa mga student na nandito. Tumango siya kaya napangiti ako. Sila yata magiging classmates ko.

Pumwesto agad ako sa harapan para mapakinggan ko ng maayos ang prof. Kahit kinakabahan ako dahil baka ako ang unang tawagin.








"Good morning, my name is. Mella Rea Genobana, 18 years of age. I'm from San jose and I'm thrilled to be here. I hope we can get closer."

Mabuti nalang hindi na muna nag-class si prof. Nagpakilala muna kami sa isa't isa. Dito na raw mag-uumpisa ang exciting journey namin. Kinakabahan na tuloy ako.

Pagkatapos ng first class ay dumiretcho ako sa canteen na malapit. Marami kasing canteens dito at ibang kainan din. Coffee shop pero hindi naman ako mahilig sa kape.

Pumasok ako sa canteen na malapit sa basketball court. Bumili lang ako ng sandwich hindi pa pala ako kumain ng almusal. Ito lang ang nakakalungkot kapag malayo sa pamilya, wala si mama para magasikaso sa akin.

Habang kumakain ay napatingin ako sa mga lalaking naglalaro ng basketball. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Kirsten. Kahit saan talaga?

Tinignan ko ang wallet ko, may saktong 565 pesos na ako. May pangbayad na ako sa kanya. Natulala naman ako sandali nang pumasok siya sa canteen at may kasama siyang isang lalaki, mas matangkad sa kanya. Nakasuot rin ng jersey shorts.

Boyfriend niya? Ang tamis kasi ng mga ngiti nila sa isa't isa.

Umiwas naman ako ng tingin nang mapansin kong tumingin rin siya banda dito kaso baka namalikmata lang ako. Mahirap na maging feeling.

Pagkatingin ko ulit ay wala na siya.

Huminga ako ng malalim at napaisip kung bakit nawalan bigla ako ng sigla?

Nag-Sociant nalang ako at tinignan ang page ng University. Nag-follow agad ako. Bigla ko namang naisipang i-search si Kirsten. Kaso ano spelling ng pangalan niya?

Kirsten?

Walang lumalabas masiyadong marami. Ay alam ko na.

Kirsten-Primston.

Napangiti ako nang mahanap ko. Agad kong tinignan ang account niya. Ay, private hindi ko siya ma-stalk. 30k followers ah, marami. Tapos 8 following lang? Kaso kahit naman i-follow ko siya kung hindi niya ako ma-follow back eh, hindi ko makikita posts niya.

Pero bakit ba?

Napalingon ako sa mga babaeng biglang sumigaw, freshmens rin yata dahil hindi nakasuot ng uniporme. Kaya pala dahil may mga poging dumaan. At dahil pogi napangiti rin ako.

"Oy Kirsten! Mamaya ah!"

Napalingon agad ako sa kaliwa ko at nakita ko si Kirsten. Bakit ba pag naririnig ko pangalan niya? Talagang napapalingon ako.

"Oo!" Sigaw niya pabalik sa lalaki. Iniwas ko agad ang tingin ko. Pero ibinalik ko ulit ang pagsulyap ko ulit sa kanya.

Oh, she's wearing glasses now. Malabo ba mga mata niya? But she's playing basketball. Malakas rin siya gumamit ng laptop. Anti-rad siguro o fashion? Bagay sa kanya ah.

After ng mga class ko ay pumasok agad ako sa library para makapag-duty, may mga assignments na rin kami sa Chemistry for engineers namin na subjects.








Pagkauwi ko ng dormitory ay wala silang tatlo. Ako lang siguro muna mag-isa sa oras na 'to. Dito nalang rin ako kakain para makapagbasa ako at makapag-aral.

"Ah!" Sigaw ko dahil sa gulat nang biglang lumabas si Kirsten sa banyo. Pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ng tuwalya.

Nandito pala siya.

"Nagulat mo ako," sabi ko nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin. Hindi lang niya ako pinansin at dumiretcho sa study table niya. Pumunta na rin ako sa kin.

Kumuha lang ako ng pamalit at nagpalit ako sa banyo. Pagkabalik ko ay nakita ko siyang kumakain at parang may pinapanuod.

Mukha namang hindi siya stress at busy sa classes niya. Ang alam ko base sa prospectus namin mahirap na ang mga subjects nila.

Kinuha ko na ang tablet ko at laptop. Kumuha na rin ako ng notebook para mag-aral.

"The importance of chemistry in the engineering field…" nag-search na muna ako sa online videos. Tatalakayin kasi namin ito bukas. Na-explain naman na ng prof namin kung bakit mahalaga na alam namin ang importance ng subject na 'to.

For us to know the quality of each product and materials that we might use in the future.

Tumigil lang ako sa pagbabasa nang bigla nalang umulan ng malakas. Tumayo ako at lumapit sa may bintana, sabay namin ni Kirsten isinara ang mga bintana.

"Parang bagyo na ang mga ulan ngayon 'no?" Sabi ko at nakasuot pala siya ng earphones. Ngumuso ako at napagtanto ko na magbabayad pala ako ngayon sa kanya.

Kinuha ko ang perang hinanda ko at lumapit sa kanya.

"Hello? Oh? Bakit? Bukas agad yon?" Sakto may bigla siyang kausap sa phone. Umatras nalang ako agad at bumalik sa study table ko.


Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon