37: Love
She has two mothers.
Siguro masakit sa kanya nong naghiwalay ang mom at mama niya, lalo na mabigat ang dahilan. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nasabi niya ang mga masasakit na salita sa akin noon. Tinalikuran ng mom niya ang lahat para sa mama niya, pero sa huli naghiwalay lang rin pala sila.
She doesn't want to recreate the love story of her mom and her mama.
She was scared, kasi paano kung will end up just like them? lalo na't on my side, hindi talaga matatanggap nila mama at papa ang pipiliin kong makasama habang buhay. Sigurado na ako sa kanya eh, I know it's too early to say.
But I'm in love with her.
"Malapit na tayo," sabi niya habang nakatuon ang pansin sa kalsada. Her mom let her drive kahit anong oras na para lang maihatid ako. Concern rin kasi sila sa iisipin ni mama. Tsaka naghihintay rin sila mommy at daddy sa akin.
"Hmm, tuloy tayo bukas diba?" tanong ko. Ipapakilala ko na siya kayna Kelly and I invited my best friend Kate too.
"Yeah."
"Magkita lang raw tayo sa North terminal," sabi ko. Tumigil siya nong umilaw ang stop light.
"Mella, paano kung malaman 'to ng parents mo, and they will let you choose between me and them. Will you choose me?"
Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Pero hindi ako nagulat, dahil I was expecting this question, at alam ko na ang sagot ko, nong una palang. Nong una palang na hinayaan ko siyang halikan ako.
Magsasalita palang ako nang magsalita siya ulit.
"No. It's not right, dapat hindi kita pinapapili," sagot niya. "I must earn their respect."
Napangiti ako sa sinabi niya. Pero sana ganon lang kadali, hindi naman kasi nila matatanggap nila mama. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin nila pinapansin si kuya. Para na nga akong walang kapatid.
"I don't want you to end up like your brother," sabi niya.
Kahit anong gawin ni kuya noon, kahit ilang regalo hindi siya sinasagot ni papa. Hindi rin siya pinapansin ni mama, kaya lahat ng atensyon ay nasa akin na. Kaso nakakalungkot lang dahil pati sa akin, they will be disappointed.
Hindi na nila nakita ang mga achievements ni kuya dahil lang para sa kanila mali ang ginawa niya.
"Kirsten, thank you," sabi ko. "Pero let's face it, yung mommy mo nga, hindi pa pinapansin ng parents niya dahil pinili niya mama mo. Paano pa kaya yung sa akin, you met my father, right at nakausap mo rin siya."
Alam kong nag-usap sila ni papa, kung ano man 'yon sana hindi maging dahilan para matapos itong maliligayang araw kong kasama siya.
"I'll try my hardest, Mella."
"Thank you Kirsten."
I reached for her hand for me to hold her. Malapit na kami sa bahay nila mommy at daddy. Ayoko pa sanang matapos 'to. Kaso kailangan ko pa ring umuwi.
"We're here," sabi niya pero hindi pa kami mismo nasa tapat ng bahay nila mommy.
"I'll miss you," sabi ko."Magkikita naman tayo bukas," sabi niya.
"Please drive safely."
"Of course."
Ewan ba palagi akong kinakabahan kapag malayo siya sa akin. I always overthink. Ayoko na sanang maging ganito dahil baka masakal siya sa akin. Kung pwede lang na nandito siya kaso hindi pwede, dahil kay papa.
"Mella, I know it's late for me to say this, but let's explore love together."
Is she making this official?
Dahil sa saya ko ay nahalikan ko siya ng mabilis sa labi.
July 2, Sunday, 2:00 am.
"Wag mo akong kalimutang i-update ha?" Nakangiti kong sabi bago bumaba.
–