07

663 22 0
                                    

07: Arcade

Akala ko wala na kaming pahinga, mabuti naman wala akong masiyadong gagawin ngayong sunday. Inabot ko ang aking phone na nasa gilid ko lang. 10 am na, sinulit ko talaga ang tulog ko ngayon. Maaga ba naman kami palaging gumigising. Napaupo ako at inayos ang buhok ko. Nasa balikat ko na siya, hindi matagal hahaba na rin ito ulit. 

Tumingin ako sa iba, si ate Janette tulog pa tapos si ate Kyla parang umalis yata. Si Kirsten? wala siya sa higaan niya kaya sumilip ako sa ibaba. Nandon siya parang may binabasang libro. 

Ngayon naiilang pa rin ako sa kanya kahit bumati. Bakit ko naman kasi naisipang itanong ‘yon? Bumaba na ako para maghilamos at magsipilyo sa banyo. Pagkatapos ay bumaba ako para kumain ng breakfast sa canteen. 

“Isang kanin po, isang hotdog at itlog po.”

Pagkatapos kung bumili ay pumwesto na agad ako sa pinakadulo. 

Kelly:

oy, punta kaming mall nila Sandra, arcade tara? sama ka?

Tapos habang kumakain ay tinignan ko ang mga messages ko. 

Mella:

Saang mall?

Kelly:

dito lang sa east, waltz. See you, kung makapunta ka. Mga 1 pm nandon na kami. 

Pagkabalik ko ng kwarto ay wala na si Kirsten, at wala rin pala sila ate Kyla at ate Janette. Nag-aral na naman na ako, wala rin sila mama kaya makakagala lang ako ngayon. Minsan lang naman ‘to. Tsaka arcade lang naman pupuntahan namin. 












Agad ko silang nakasalabong sa labas ng mall. Sabay-sabay na kaming pumasok. Pagkarating namin sa arcade ay maraming reklamo si Kelly dahil sa sobrang mahal nong card at ang tickets para makalaro.

“Ang mahal, pahiram nalang ako ng card sa inyo,” sabi ni Kelly.

“Mas mayaman ka nga sa amin,” sagot ni Sandra. Napailing-iling nalang ako. Kung anu-ano ang nilaro namin, tapos claw machine na ewan bakit hindi kami makakuha. Tapos nag-bumper rin kami, parang mga bata. 

“Hala, omg. omg!” 

Hinila ako bigla ni Kelly tapos may bigla siyang itinuro sa may laruan ng basketball. Natigilan ako at pakiramdam ko pati puso ko ay tumigil sa pagtibok. Si Kirsten, anong ginagawa niya dito? may kasama siyang dalawang lalaki, pero mga bata pa, at kambal sila. 

“It’s her brothers! omg!” 

Napalingon ako kay Kelly.

“Kinikilig ka sa babae?” tanong ni Sandra at parang hindi maiguhit ang mukha niya kay Kelly.

“Oo! why not? kung mas pogi naman kesa sa mga lalaki,” sagot ni Kelly.

Binubuhat pa niya yung isang kapatid niya. So, may kapatid pala siya. Saan kaya nag-aaral? umuwi ba siya ngayon sa kanila? teka hindi ko nga alam kung taga-saan siya. 

Her smile again. 

“Ang tangkad niya.” komento ni Kelly.

“Maglaro rin tayo don?” tanong ko sa kanya tapos bigla siyang tumawa at yinugyog ang braso ko. Hinila niya kaming dalawa ni Sandra.

“Hi Kirsten!” sigaw ni Kelly tapos kumakaway pa. Gusto ko namang lamunin ako ng sahig ngayon dahil biglang nahiya ako. Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang siya kay Kelly tapos kumaway. 

Hindi gaano maka-shoot ng maayos ang kapatid niya pero sobrang cute, ang tataba. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa kanya. Ilang araw pa lang naman simula nong nakilala ko siya, pero parang siya nalang palaging iniisip ko o di kaya gusto ko nga siya lang gusto kong pagusapan.

“Aray!” sigaw ko nang bigla akong natamaan ng bola sa ulo.

“Sorry.” Napaangat ang tingin ko at si Kirsten. 

“Sorry.” Napalingon ako sa mga kapatid niya. 

“Ouch!” sigaw ko ulit nang natamaan ulit ako sa likod ng ulo ko. Tumingin ako kayna Sandra.

“Haha sorry girl, hagis lang kasi kami ng hagis, di ko naman alam na tumatalon talon pala ang bola,” sabi ni Sandra. Anong tumatalon talon? 

Tumingin ako kay Kirsten at nasa mga kapatid niya na ang atensyon niya. 

“Ih kinilig ka ‘no?” Napalingon ako kay Kelly dahil sa binulong niya. 

“Mas ramdam ko yung sakit ng bola na tumama sa ulo ko,” sagot ko sa kanya.

“Ay sus, girl you’re blushing.”

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon