36: Mom
Nong nagsimula ng magsayawan ang lahat ay lumabas kaming dalawa. Pumayag na ako, dahil nandito na eh. Isa pa, maganda ako ngayon, I'm wearing an evening dress kesa sa ibang araw pa na baka biglain na naman niya ako.
Sumakay lang kami ng taxi, pagkatapos kaming ihatid ni Drew sa sakayan. Hindi sila nagpapansinan pero nakikita kong bumabawi si Drew sa kanya. Gusto nga niyang ihatid kami pero ayaw namin parehas.
"Baka hindi ka sanay sa taxi ah," sabi niya at natawa lang ako ng mahina sa kanya. Sanay ako kahit ano, basta kasama ko siya. Eme, pero seryoso. I love being with her. Noon palagi akong kinakabahan basta kami lang ng boyfriend ko, I don't feel safe with him.
Pumasok kami sa isang village at tumapat kami sa isa sa mga malalaking bahay. Malayo rin pala papunta dito, malawak talaga ang Alvarez.
"Dito bahay niyo?" tanong ko.
"Yeah, my mom's house," sagot niya.
Naalala ko rin ang sinabi niya na ampon siya. Baka hindi nag-asawa mom niya? pero may kapatid siya diba? Pinagbuksan niya ako ng pinto at may guard na nagbukas ng pinto para sa amin. Binati ko rin ang guard bago pumasok.
"Mom?"
Pagtawag niya nang makapasok kami. Sobrang tangkad ng pinto at mataas ang bubong.
"Anak!"
Napaangat ang tingin namin parehas nang may babaeng lumabas sa isa sa mga kwarto sa taas at bumaba ng hagdan. Her mom is beautiful, bigla naman akong nahiya, baka wala na ang make up ko o sira na ang buhok ko.
Pumunta ako sa likuran ni Kirsten dahil nahihiya ako at kinakabahan. Paano kung hindi ako magustuhan?
"Natutulog na mga kapatid mo," sabi ng mommy niya. Nakasilip lang ako sa kanya. Ang bata pa ng mommy niya.
Sila lang ba at mga kapatid niya, ampon rin ba mga kapatid niya?
"Hi iha, halika! Gusto talaga kitang makilala," sabi ng mommy niya at kahit ayoko pa ay humarap ako ng maayos sa mommy niya. Ganito pala ang pakiramdam, hindi naman kasi ako pinakilala ng ex ko sa family niya, siguro dahil masiyado pa kaming mga bata non, and Kirsten is older than me.
"Magandang gabi po," sabi ko.
"You're pretty totoo nga ang sabi ng anak ko, kaya umiyak yan non hindi mo na pinansin." Natatawang sabi ng mommy niya at tumingin ako kay Kirsten na parang hindi nagustuhan ang sinabi ng mommy niya.
"Mom!" sigaw niya na parang bata. Natawa rin lang ako ng mahina.
"Totoo, umiyak siya sa kwarto niya, ayaw lang niyang sabihin. Alam mo ba ngayon lang nagkaroon ng interest ang anak ko sa isang tao? akala ko nga hindi na magkakaroon ng love life 'yan, she's so busy kasi with her acads at kailangan niyang panatilihin ang scholarship niya."
Natulala ako sandali, scholarship? she's a scholar? Ngayon ko lang nalaman.
"Alam mo ba sobrang proud ako, eh kaya naman namin ng mama niya nagpumilit pa rin kumuha ng exam for scholarship, ayon nakakuha siya ng AE Scholarships."
Totoo ang sabi ng iba, na isa siya sa mga matatalino sa kanila? mahirap maging AE scholar, you have to pass their exam tapos kailangang matataas rin ang grades mo. Babayaran nila ang tuition mo, tapos may monthly living allowance, learning materials allowance even clothing allowance.
Hindi ko 'to alam. Papa was wrong. Mali sila sa iniisip nila. Maraming member ng lgbt ang mas sucessful pa kesa sa kanila, they are just close minded. Kahit si kuya, napatunayan niya na kaya niyang mag-isa na wala sila.
"Diba? ano pa hahanapin mo sa iba Mella." Natulala ako ulit nang marinig ko ang pangalan ko sa mommy niya. She knows my name.
Pero teka may narinig ako kanina, mama? sinong mama?
"We are so happy na napalaki namng mabait at maayos, responsable si Kirsten. Lalo na nong naghiwalay kami ng mama niya, akala ko, masisira ko lang ang buhay ni Kirsten."
Mama? meaning she has two mothers?
"Mom, please?"
Napalingon ako kay Kirsten at sinenyasan siya na hayaan lang ang mommy niya.
"I'm sure kumain na kayo sa University, but I have prepared a dessert, sana hindi pa kayo busog," sabi ng mommy niya at inimbitahan kami sa kusina.
Her mom baked buko pie for us, ang sweet naman.
"Sana kumakain ka nito iha."
"Opo, kumakain po ako," sagot ko.
"Paborito kasi 'to ni Kirsten," sabi ng mommy niya at napalingon ulit ako kay Kirsten.
I gave her a smile. Marami pa pala talaga akong hindi alam sa kanya. Para kasing matagal na kaming magkakilala, the way we hold hands, the way we talk about random things.
Magkatabi kami ni Kirsten habang ang mom niya nasa harapan namin. How I wish ganito si mama kapag malaman niya ang tungkol sa amin ni Kirsten. Iba-iba lang siguro ang mga magulang, I just got unlucky with mine.
I mean, hindi naman sa hindi ako swerte sa kanila. Pero pagdating dito, I know they will throw me out of the house, just like they did to kuya.
"Masarap?" tanong ng mommy.
"Opo, sobra," sagot ko. Tama lang ang tamis tsaka mainit pa. Gawin ko rin kaya 'to para sa kanya?
"Gusto mo bang makita mga litrato ni Kirsten nong bata pa siya?"
"Mommy!"
"Ano ba anak, soon to be daughter in law ko 'to."
"Mom, hindi pa namin iniisip 'yan."
"I know anak. Gusto ko rin lang makilala si Mella, habang pinapakilala ko rin ang pamilya natin sa kanya."
Para silang mga bata na nagtatalo. Mas gusto ko nga idea ng mom niya eh. Bakit ba siya nahihiya? nakita nga rin niya mga pictures ko nong maliit pa ako sa kwarto ko. I wonder kung may sarili rin ba siyang kwarto?
Kaso kailangan kong umuwi mamaya kayna mommy at daddy. Sabi kasi ni mommy dapat maihatid rin ako pauwi. Sunod-sunod na nga rin ang mga messages ni mommy sa akin.
I can't sleep over.
–