19: Baby
Mella:
Bkt wla kpa? T_T
Anong oras na at wala pa siya. Malakas pa naman ang ulan. Masiyado na yata akong nag-aalala sa kanya.
Mella:
Best! Wala p sya T.T
Kate:
Bka my pnunthan lng chll lng grl!
Huminga ako ng malalim at padabog na umupo sa upuan ko.
"Okay ka lang Mella?" Napalingon ako kay ate Kyla, kami lang dalawa ngayon. Para akong bata dahil lang hindi ako nirereplayan ni Kirsten.
She's a third year student, alam ko namang may iba siyang gagawin. Besides why am i acting like this? Wala naman kaming label, at ako lang naman ang may crush sa kanya, were not mutual.
Malakas pa ang kidlat ngayon, pero baka hindi siya dito uuwi. Sino rin ba ako para malaman kung matutulog ba siya dito o hindi?
"Naku, wag kang mag-alala uuwi din yon," sabi ni ate Kyla. Nangaasar pa.
"Alam mo, hirap basahin ni Kirsten 'no? I can tell, she's not straight. It's like she's just hiding her true self in a closet," sabi ni ate Kyla. Ang random naman niya.
But she's right. Kirsten is hard to read. She's sweet tapos biglang cold, makulit tapos sa ibang araw tipid. Pinaparamdam niya minsan na I have worth tapos may mga araw naman na hindi, katulad ngayon. She's not replying. Hindi ko alam asan siya.
I just want to know she's safe everyday.
Babae siya at anong oras na.
"Matulog na tayo, patayin ko ilaw ah."
Hinayaan ko lang si ate Kyla.
Pinatay niya ang ilaw kaya agad akong tumingin sa moon lamp. Maybe she's okay, masiyado lang akong worried.
Patagal kasi ng patagal, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. I should be more worried about myself. Masasaktan na naman ako.
Ayokong matulog. Masiyado na yata akong nasasanay na kausap siya. Dati naman kahit di siya umuuwi dito okay lang. Ngayon hindi na.
Napalingon agad ako sa pinto at si ate Janette lang pala.
"Grabe ang ulan," sabi niya at binuksan ang ilaw muna.
Ilang minuto rin ang lumipas ay natulog na rin siya. Patay ulit ang ilaw.
It's October now, ilang araw at two months na pala akong may crush sa kanya.
"Hindi na siguro siya uuwi," sabi ko.
I never thought I would be this worried about a girl.
Tumayo ako at saktong bumukas ang pinto. It's her! But I did not get excited. Nagtatampo ako. Hindi ko na nga alam kung may chance pa talaga ako tapos ngayon pinagaalala na niya ako.
"Hey, hindi ka pa natulog?" Tanong niya.
Siguro I'm just joking myself. Ako lang naman itong may gusto sa kanya. Kaya, dapat expected ko na 'to. I was too worried at sa kanya normal lang.
Hindi ko siya sinagot at umiwas lang ako ng tingin.
Umakyat ako at humiga nalang.
At least umuwi siya dito sa dormitory and she's safe and fine.
May mga gabi at araw talagang ganito. Kung gaano niya pinapatibok ng mabilis ang puso ko, masakit naman kapag umaasta siya na parang wala lang.
Umupo ako at nakita ko siyang umaakyat.