29

528 14 3
                                    

29: Dress

Kirsten:

What do you want for lunch? Pwede ba akong sumabay?

Mella:

Oks. Canteen 1 po!

Sinagot ko muna si Kirsten bago ko niligoit ang mga gamit ko. Kakatapos ko oang magpunas ng mga libro sa library. Kailangan ko ng pumasok sa next class namin.

Nagpaalam muna ako kayna Abi at lumabas na. Next week, finals na namin tapos prom night na rin nila Kirsten.

"Miss! Miss!"

Natigilan ako sa paglalakad at kinuha ang earphones ko nang parang may naririnig ako sa likuran na sumisigaw at parang ako ang tinatawag.

I was about to go to our next class. Nauna na sila Kelly dahil nag-duty pa ako sa library. Lumingon ako sa likuran at nakita ko yung lalaking humalik kay Kirsten, lalaking kinaiinisan ko.

Ako ba hinahanap nito?

"Miss!"

Tumigil siya sa pagtakbo at sa harapan ko.

"You're Mella right?"

Tumango naman ako bilang sagot. Ang ganda naman ng katawan nito. Kung kaming dalawa maglalaban kawawa naman ako.

"Bakit?" Gusto ko siyang suntukin. Kaso nasa university kami. Bumalik tuloy inis ko kay Kirsten.

"I just want to apologize," sabi niya na ikinatulala ako. "Kirsten would kill me if I didn't."

Huminga ako ng malalim at humakbang paatras. Kirstend asked him?

"What you saw...lasing ako non. I was making a scene sa labas ng dormitory niyo. She punched me after that. Gusto nga niyang kasuhan ako. She'll ruin me."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Deserve naman niya. Kung ako, isusumbong ko siya.

"We're best friend pero nahulog ako sa kanya. Kaso she didn't like me back, I just ruined our friendship. Gusto ko lang malaman mo na,yung nakita mo. Ako ang may kasalanan."

"Sorry may class pa ako but thank you," sabi ko at agad na tumalikod na. Nakakairita ang mukha niya. Wala akong pakialam sa kanya.

"He did?" Kirsten asked habang kumakain na kami. Agad kong ikwinento sa kanya ang nangyari kanina.

"Tinakot mo siya 'no?" Tanong ko at sinamaan siya ng tingin.

"He deserve it."

"Wag na natin siyang patawarin," sabi ko. Being childish.

"Hindi na nga," sagot niga at ginulo ang buhok ko bigla.

"Tss Kirsten seryoso ako," sabi ko.

"I know." Nakangiti niyang sabi. Napalingon ako sa paligid at alam kong may mga matang nakatingin sa amin.

Pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko. I am with this woman.

"What are your plans this summer?"

"Hindi ko alam, siguro nasa San Jose lang ako niyan," sagot ko at napanguso. Pinaalala na naman niya. Baka next academic year pa kami magkita, at alam kong mabi-busy na siya sa internship niya. "Ikaw?"

"Internship, I have to gain experiences, tapos ikaw naman sa susunod," she said.

"Graduate ka na non," sabi ko na parang bata.

"Ayaw mo non? may girlfriend kang engineer." Nakangiti niyang sabi.

"Engineer rin naman ako in the future 'no," sagot ko at natawa sandali.

We will be engineers soon. Licensed civil engineers. Hindi ko gusto ang kursong ito dahil si papa ang pumili pero habang tumatagal, natatanggap ko na siya. Kahit ang hirap tapos palaging mabigat ang gamit ko, okay lang. Kaya ko naman.

Natigilan ako sandali, ano kaya ang ideal girlfriend niya 'no? at hindi talaga siya straight in the first place? she's closeted. Dami pa niyang arte but cute. What's her family like kaya? Im curious na tuloy, magagalit kaya sila kung may girlfriend siya? sure kasi ako sa bahay papatayin ako.

"What's your family like?" tanong niya bigla na ikinatigil ko. Iinom sana ako ng mango shake ko hindi ko nalang itinuloy. Parang may bumara sa lalamunan ko.

"Mama and papa are both nice. Nabibigay naman nila mga wants at needs ko. Pinag-aral nila ako dito, pero...they are homophobes." Kinagat ko ang labi ko pagkatapos kong sabihin iyon. Kailangan kong sabihin sa kanya, kesa tumagal 'to tapos hindi pala niya kakayanin.

Ako kasi kaya kong itago lang muna 'to sa pamilya ko, pero kapag tanungin nila ako mismo, hindi ko ide-deny. They might disown me, kagaya ng ginawa nila kay kuya pero wala akong magagawa. My heart knows what it wants.

"Oh, right. I want to meet them," sabi niya. Naubo tuloy ako sa sinabi niya.

"Ha? seryoso ka ba? sabi ko diba, allergy sila sa mga– basta. Darating din tayo diyan, ano ka, wala pa ngang tayo," sabi ko.

"I know, I just want to meet them."

"Hmm uuwi ako ngayong sabado, gusto mong sumama? after finals."

"I'll get to meet them? isasama mo ako?"

Suicide yata 'to pero para malaman niya rin what are parents like. But in one condition.

"You have to wear dress," sabi ko at nakita ko siyang natigilan.

I saw some of her selfies, mas babae pa siya kesa sa akin sa mga posts niya. Magkaiba sa personal.

"Oh you want me to introduce myself as your friend?" patanong niyang sagot.

"Hindi naman, baka kasi mabigla sila pag sinabi ko agad. Isa pa hindi pa tayo bati 'no," sabi ko. "Hindi mo pa nga ako nililigawan." Ang arte ko nagpahalik naman na ako.

"Okay saturday," sagot niya.

Napangiti naman ako at ginulo ko rin ang buhok niya. Asar ang tangkad niya. 

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon