50

679 13 0
                                    

50: Flowers

"Bilisan mo kasi Troy!" sigaw ko kay Troy pagkatapos naming bumili ng bulaklak. It's Kirsten's graduation day! Kahit dito manlang mapuntahan ko siya, I didn't get to celebrate her birthday with her kasi December 24 siya at nasa bahay ako nakakulong.

Ilang buwan rin kami hindi nagkita dahil busy na rin siya as a graduating student. Tapos ngayon, finally!

"Oo na, oo na!" sigaw niya sa akin. I'm wearing his jacket at nasa akin pa ang shades ni Kelly. Hindi sila makakapunta dahil may class kami, I just skip my class for today. Babawi ako bukas, I promise.

Natapos na ang program dahil marami ng mga estudyante sa labas ng gymnasium namin. Lahat sila nakasuot ng black na toga. Agad ko naman siyang hinanap.

I bought a bouquet of flowers for her.

Sana magustuhan niya. Not sure if she's into flowers though.

"Nakita mo na ba siya?" tanong ko kay Troy na nadamay at napilitang samahan ako.

"Hindi ko siya makita," sabi niya.

"Tulungan mo ako," sabi ko na parang bata.

"Oo na nga ito na nga diba."

"Baka nasa loob pa," sabi ko at tumakbo agad papunta sa loob.

"Mella dahan-dahan! tanga ka pa naman!" Rinig kong sigaw ni Troy.

I found her. Kausap niya mama niya. Lalapitan ko ba siya? Baka masira ko ang moments nilang dalawa. It's her day at alam kong sobrang proud ngayon ang mama niya sa kanya. Napatulala ako sandali dahil may isa pa siyang kausap, at sobrang pamilyar ng mukha niya sa akin.

Naalala ko na, mama niya. Pinakita niya rin kasi dati ang pictures nilang dalawa.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Ang cute nilang tatlo.

Natigilan naman ako at humakbang paatras nang makita kong napatingin siya sa akin. Ayokong lumapit sa kanila na ganito suot ko. Gusto ko tuloy tumakbo nang lumakad siya bigla papunta sa banda ko.

Muntik pa akong mawalan ng balanse mabuti nalang naabutan niya ako.

"Love."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Congrats," sabi ko at inabot sa kanya ang bulaklak na dala ko.

"Thank you," sabi niya at tinanggap ang bulaklak.

Simple lang ang make up niya pero umaapaw pa rin ang kagandahan niya. Mapapatanong nalang ulit ako sa sarili ko kung paano ko ba siya nakuha.

"Mama is here," sabi niya.

"Eh, hindi ko na sana gustong lumapit, tignan mo suot ko oh," sabi ko.

"Mukha kang kidnapper love haha." Natatawa niyang sabi. Mabuti nalang nakasuot ako ng shades kaya hindi niya masiyado makikita na masama na ang tingin ko sa kanya.

"Pero ang cute mo love."

Gusto kitang yakapin.

"Ikaw naman ang next," sabi niya at tumango ako bilang sagot.

"Laban!" sigaw ko at parehas kaming natawa. "Wag mo akong ipagpalit sa iba ah."

"Hindi nga sumagi sa isipan ko 'yan," sabi niya.

Napasilip ako sa likuran niya at nakatingin ang mama at mommy niya sa amin.

"Sa susunod ipapakilala kita sa kanya," sabi niya. "Kay mama."

Sumilip ulit ako sa likuran. Ang ganda pala talaga ng mama niya. Hindi, poganda. Pinaghalo ng kapogian at kagandahan katulad niya.

"Ang ganda pala ng mama mo 'no," sabi ko.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon