Chapter 54

4 1 0
                                    

Keize's POV

HAVING in a relationship with Xian is my free passed to be happy and contented. I searched love everywhere that I forgot it's within. But he always makes me special and validated. I have so many doubts in myself because of feeling unwanted by my own parents. I can't fully open myself to him yet. I'm not ready to let go that part of my life. And he makes me feel that what I'm feeling is valid and no one can question it.

He never failed to amaze me. He's sweet, clingy and jealous. I'm still adjusting in our relationship specially I used to do whatever I want without considering anyone's feelings. I love how attentive he is even in a smallest thing that involves to me.

Pinaramdam niya sa'kin na hindi ko kailangang pilitin ang sarili kong magbago dahil kaya kong magkusa. May mga hindi pagkakaintindihan oo, pero hindi siya pumapayag na hindi kaagad namin maayos.

"Mas malala iyong mga ginawa namin nitong huli." Natatawang kwento ni Bella. Magkakaharap kaming limang girls dito sa room dahil wala pang lecturer. Si Zeke at Kairo naman may sariling mundo sa tabi. At si Xian? Tulog, nasa desk ko ang ulo niya pero nakaunan ang magkahawak naming kamay. Marahan ko pang hinahaplos ang buhok niya.

"Bakit naman?" Wala pa pero tumatawa na si Kim. Cute na cute ako sa kaniya dahil sa liit ng ngipin niya.

"Kasi nga alam naming lilipat kami ng school sabi ni Keize lubusin na daw namin. Ayun lahat nang kalokohan ginawa niya." Nakangiwing kwento ni Bella.

"Ang kapal ng mukha mo, may ginawa ka din naman."

"Pero karamihan ay ikaw ang pasimuno."

"Ang LT noon HAHAHA. Tama naman kasi eh." Pagsang-ayon ni Alyk.

"Edi maraming masaya nang umalis kayo?" Si Aeris.

"Hindi rin." Sabi ko pa.

"Talaga? Paano mo nasabi?"

"She's a social butterfly kaya ganoon. Napakarami niyang circle outside and inside the University." Si Bella ang sumagot. Napatingin naman sa akin ang tatlo.

"Talaga? Kaya naman pala para kang kumakandedato kapag nagala tayo." Natatawang saad ni Aeris.

"Ganoon talaga plastik kasi ako." Nagkatinginan sila bago kami sabay-sabay na natawa.

"HAHAHAHA!" Naramdaman ko nang bahagyang gumalaw si Xian kaya hinaplos ko ulit ang buhok niya umungol siya bago sumiksik sa balikat ko kahit na magkahawak na kami ng kamay.

"Kaya madami ding naiinis na babae diyan. Malandi ang tingin sa kaniya dahil sa mga friends niya na guys."

"Ang toxic naman kasi nang pilipinas kapag magkaibigan ang lalaki at babae malalandi na." Nakangiwing depensa ko.

"Sinabi mo pa."

"Iyong mga ganoon inggit lang iyon. Kasi iyong nakikita nila sa iba tapos wala sa kanila marami nang masasabi." Aeris pointed out.

"Mabuti hindi mo pinapatulan?" Tumatawang tanong ni Alyk.

"Anong hindi? Eh, kaya nga laging napapa-away kasi laging pumapatol." Sigaw ni Bella. Ito talaga ang maglalaglag sa akin eh.

Sinaman ko siya ng tingin. "Alangan namang hayaan ko? Edi nasanay? Adik ka ba."

"Bakit ganoon? Di'ba lagi kayong magkasama? Bakit hindi kasama sa circle mo si Bella?" Tanong ni Kim.

"Malay ko sa babaeng iyan. Utak niyan baliktad eh." Pang-aasar ko.

"Ulol ka. Hindi ko lang talaga trip iyong mga trip niyo kaya ayaw ko." She defended. Paano kasi masyadong malambot kaya ganoon.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now