Isabella's POV
NAGBASA lang muna kami ng paa ni Keize, inambahan pa nga kami ni Aaron at Zach na itulak sa pool pero sinabuyan namin agad sila ng tubig.
Umupo muna kami sa gilid ng pool at nilibot ang mata ko sa paligid. Ang dami ring tao at ang daming nakabikining mga babae kaya sinamaan ko tuloy ng tingin si Kairo kasi nakatingin siya sa'min.
"Ang sama niyo, tignan niyo mga nakapaligid sa inyo two piece ang suot, tapos kami ni Keize nakaganito lang nagrereklamo na kayo." Nakangusong reklamo ko.
"Sabi ko nga hayaan kayo eh." Sabi nito at kumuha ng puto sa tupperware na dala ko. "Sarap, luto niyo?" Tanong ni Kairo.
"Luto ni Mama." Sagot ko, nakikuha na rin si Xian saka si Czarina na kakarating lang.
"Masarap ah." Tumatangong ani Czarina kaya natuwa tuloy ako kasi sa kaniya pa manggagaling, lagi pa naman siyang seryoso.
"Patikim luto ni tita?" Tanong ni Zeke at kumuha.
"Makatita ka ah, close kayo?" Mataray na tanong sa kaniya ni Keize at kumuha na rin.
"Oy, baka maubos niyo agad ah." Sabi ko sa kanila.
"Ang sarap hmm, akin na lang." Sabi ni Zeke sabay sara ng tupperware at kinulong niya pa sa braso niya.
"Hoy! Damak ka." Pinalo siya ni Keize sa braso.
Mukhang nagustuhan talaga nila.
"Oy bat 'di pa kayo naliligo? Tara na." Yakag sa'min ng kakaahon lang na si Aeris.
Nauna pa siyang maligo sa'min.
Mukhang umahon pa siya para sunduin kami ni Keize kaya wala na rin kaming nagawa kung hindi sumama.
"Try mo muna. Baka malalim." Sabi sa'kin ni Keize.
Ugali talaga nito eh.
Feeling ko kapag nasa gyera kami, sasabihin niya sa'kin sige silip ka muna kapag may bumaril may kalaban MWEHEHEHE.
Kaya bumaba na ko sa may hagdan dito sa pool, nang hanggang tuhod ko na ang tubig bigla ng umakyat ang lamig sa buong katawan ko kaya tumalon na ko para hindi na ko malamigan.
Kapag nasa ilalim na ng tubig ang katawan mo 'di na malamig kaya maigi na yon.
"Hanggang saan ang tubig?" Tanong ni Keize.
"Hanggang dito oh." Binaluktot ko ang tuhod ko para kunwari lampas ulo ang tubig.
HAHAHAHA.
"Ayun." Sabi ko ng mailabas ko ang ulo sa tubig.
"Ang lalim naman." Reklamo niya kaya napatawa tuloy ako ng malakas.
"Joke lang hanggang kilikili ko nga oh." Sabi ko at umayos ng tayo.
Umupo si Keize sa gilid at nilublob ang paa sa tubig.
"Ang lamig." Aniya.
"Keri langs." Sabi ko naman.
"Bolaga!"
"WAHHHH!" Sigaw ni Keize kasi may biglang tumulak sa kaniya mula sa likod.
Si Aaron.
"BWISIT KA TANDANG AMEN!" Sigaw ni Keize sa kaniya.
Tawang-tawa naman si Aaron sa ginawa and maya-maya tumalon na din ng pool kaya talsik ang tubig sa'min.