Chapter 49

3 2 0
                                    

Keize's POV

TIME passes away na paulit-ulit ang buhay ko sa RPU, rollercoaster of emotions ang nararamdaman ko. Especially this guy clung into me.

I never expected na may ganito siyang side. Masyado siyang brusko to have this childish and boyish vibe. Pinanindigan niya ang panliligaw. At araw-araw akong namamangha sa mga kalokohan niya.

"Aray!" Napapalatak ako nang may pumitik sa noo ko. "Ano ba?" Masamang tingin ko sa katabi.

"We're on a date tapos kung ano-anong iniisip mo." Bahagyang nakakunot ang noong angil niya.

"What? Anong date? Excuse me!" Pagtataray ko.

Nasa mall kami dahil magpapatulong daw siya na bumili ng mga kailangan niya na hindi naman totoo. Ang akala ko pa kasama sila Bella dahil iyon ang sinabi niya.

Masama kang kaibigan sprite.

"Date kaya 'to." Inabutan niya ako ng fries. Hindi ako nag-atubiling kuhanin 'yon. "Basta talaga pagkain ang bilis mo."

"Nagugutom na kaya ako."

"What? Eh, wala pa ngang 30 minutes nang kumain tayo."

"Ano ba kasing mga needs mo para mabili na." Mataray na sabi ko.

"Mamaya na kasi." Hindi na ako sumagot at pinagtuunan ng pansin ang nilalamon.

"Haniah." He called. Until now I don't know how to react when he called me by my name. May pasabi-sabi pa siya na siya lang daw ang pwedeng tumawag noon sa akin.

"Hmm?"

"Gusto mo ko?" Halos maibuga ko ang kinakain sa biglaang tanong niya. Napahagalpak naman siya nang tawa bago ako abutan ng tissue.

"You know what? Ang kapal nang mukha mo."

Nagtuloy pa kami sa asaran habang nag-iikot sa mall.

"Arcades tayo."

"Ay! Go!" Dumeretso kami sa arcades para magpustahan.

Oo, pustahan talaga. Para may thrill.

"Eh, anong kapalit ng talo?" I asked habang natingin nang magandang laruin.

"Ano ba maganda?"

"Ako, maganda." Bumaling ako sa kaniya dahil hindi siya nag-react nakaiwas lang ang tingin.

Aba? Ano hindi ako maganda?

Tinalikuran ko siya na kinabigla niya. "Wait naman." Habol niya pero hindi ko pinansin.
Marahan niya akong hinawakan sa braso pero winaksi ko.

Ang arte Haniah ah.

"Hoy, anong nangyari sayo?"

"Maglaro na lang kasi tayo." Kunot noong saad ko. Nainis pa ako dahil bahagya siyang tumawa.

"Sungit... Maganda ka nga." Natigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Nakangisi siya sa naging reaksiyon ko. "Silly." Natatawang dagdag pa.

"Ang korni mo." I felt mortified shit.

"One wish ang kapalit nang talo ah." Natatawa pa ring aniya.

"Kol." Tatlong laro ang napagkasunduan namin.

"Alam mo bang napakaingay niyo the last time na andito din kayo?" Naalala ko yon. Para kaming mga tanga na nagsisigawan dito. Pinagtitinginan na nga kami noon eh.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now