CHAPTER FIFTY-SIX
- Dominic -
HALOS ANTUKIN ako habang bagot na bagot sa panonood ng boring na laro ng mga volleyball team sa gymnasium. Kaya lang naman nakaka-score ang kada team ay dahil madalas out ang bola at hindi napapalo ng player. Walang kwentang laban.
Dahil sobrang bagot na ay lumabas ako ng gymnasium, pero nakasalubong ko si Christine na lulukso-lukso.
"Hey, Dominic! Aalis ka na?!" Kumapit siya sa braso ko nang makalapit sa akin.
"Mm." Walang interes kong tugon.
"Bumalik ka after ng game nila ah? Kami na next sa kanila, hihi!"
"Tsh, makakalaro ka naman nang wala ako."
"Ano ka ba? Of course you have to show up! I need an inspiration para maipanalo ko ang team namin, okay?!"
"Tch."
"Ih! Pagbigyan mo na 'ko, Min-min! Ngayon na nga lang ulit ako nag-request sa'yo 'di mo pa 'ko pagbibigyan?!" Hinatak-hatak niya ang braso ko.
Napairap ako sa kakulitan niya. "Titingnan ko."
"Kyaaaa! That's still a yes! Thank you, hihi!"
Sa sobrang saya niya bigla niya 'kong hinalikan nang mabilis sa pisngi. Nagdikit ang mga kilay ko pero ngumiti lang siya nang nang-aasar.
Napailing ako at binawi ang braso ko sa kaniya para maglakad paalis. Nakikita ko pa 'yung mga taong nakakita sa 'min na parang kinikilig, naiirita tuloy ako.
"Bagay kayo sa isa't isa."
Taas-kilay kong nilingon ang nagsabi no'n at napasinghal nang makita ang lalaking si Justin na sumusunod ng lakad sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
The nerve of this punk. We're not even close.
"I thought we were friends already. Remember dinalaw kita sa ospital no'ng sabado?" Nairita ako lalo dahil sumusunod pa rin siya.
"Get lost."
Binilisan ko ang paglakad hanggang sa makapunta ako sa canteen sa pagbabaka-sakaling mawala na siya sa landas ko. May gagawin ako at hindi ko 'yon magagawa nang nandiyan siya.
"O-order ka? I'll treat you."
"What the hell are you doing here?" Napandilatan ko siya ng mata dahil saktong pag-upo ko ay naupo rin siya sa harap ko!
Ngumiti siya nang inosente. "I'm joining my lonely friend."
"Join your ass, bastard." Mabilis akong tumayo at inis na lumabas ng canteen.
He's starting to annoy me. Hindi kami close para lumapit at magsalita siya nang gano'n. Sa totoo nga naaalibadbaran ako sa presensiya niya noon pa. Nakakairita.
"Sama 'ko sa'yo."
"Shit!" May biglang humawak sa balikat ko!
"Woah, woah!" Itinaas ni Justin ang mga braso nang makita ang reaksyon ko.
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. "Ikaw na naman?! Bakit ba sunod ka nang sunod?!" Hindi ako magugulating tao pero halos lumabas ang puso ko sa panggugulat niya!
"Woah. Chill, dude. 'Di naman kita sinusundan." Dipensa niya habang nakasuko pa rin ang mga braso.
"Anong hindi e kanina ka pa sumusulpot? Nagpapapansin ka ba o ano?"

YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionMaraming nagbago sa tahimik na buhay ni Aleiha Jade simula nang makapasok siya sa prestihiyosong paraalan ng Jordan High. Ang akala niyang magiging masayang high school life ay unti-unting maglalaho sa kaniyang karanasan sa loob ng paaralan. Mula s...