Chapter 55: Notion

1 0 0
                                    

CHAPTER FIFTY-FIVE

- Lourence -

IT'S JADE! She's here!

I mean, what?!

"Teka, nagha-hallucinate lang ba 'ko o totoo 'tong nakikita ko?" Titig na titig si Bryle nang harapin niya ang nasa likod.

"Ako naman, pre, kulang yata sa tulog. Daydream lang yata 'to."

"I guess it's not." Gano'n din si Curt na hindi makapaniwala.

Tumawa nang mahina si Jade nang marinig ang mga sinabi nila. "Kayo talaga para kayong mga baliw. Totoong tao ako, promise."

"Totoo nga siya..." Mahinang sambit ni Zilthea.

Maya-maya lang ay...

"JADEEEEEE!" Bigla silang sumigaw na lahat at deretsong niyakap ang kaibigan. Muntikan pa itong mapaatras sa gulat.

Natameme lang ako at hindi nagawang makisali sa ginagawa nila.

"Pfft, ang OA niyo namang apat. Nagtitinginan sa 'tin 'yung mga tao oh."

"ATE, HUHUHU! AKALA NAMIN UMALIS KA NA TALAGA, E!" Halos maiyak pa si RC.

"PINA-PRANK MO LANG BA KAMING LAHAT?! 'DI KA NAKAKATUWA AH!"

Muli itong tumawa. "Sige, aalis na lang ako."

"'WAG NA, 'WAG NA! NANDITO KA NA, E! 'DI KA NA P'WEDENG LUMABAS, TANDAAN MO 'YAN!"

"WE MISSED YOU SO MUCH, FRIEND!"

"Hay nako, bumitiw na nga kayo. Baka sabihin pa ng iba agaw eksena tayo rito umagang-umaga."

Bumitiw silang lahat pero hindi pa rin makapaniwala ang mga hitsura nila.

"Hindi ka na ba lilipat ng school, Jade? Dito ka pa rin ba papasok?" Nakangiting tanong ni Curt.

Kagat-labing tumango si Jade kaya halos sumigaw ulit sila sa tuwa.

"H'wag nga kayong maingay, nakakahiya na kayo sa mga tao."

"Bakit biglang nagbago isip mo? Akala ko final na 'yung paglipat mo?"

Sandali itong nag-isip na parang may inalala. Ngumiti na lang siya bago sumagot. "Na-realize ko kasi na 'di naman ako magiging masaya sa lilipatan ko. Dito na 'ko komportable sa Jordan High kaya nagbago bigla isip ko, hehe. Bakit, ayaw niyo bang nandito ako?"

"Hindi! Gustong-gusto naming nandito ka, 'no! Sa wakas may maaasar na ring pangit!"

"Waaaaa! Thank God that you changed your mind!"

"Nandito na si Jade! Nandito na si Jade!"

Muli nilang niyakap ang kaibigan at nagsimula silang tumalon-talon sa tuwa.

Hindi ko pa rin magawang makisali sa kanila dahil wala ring paglagyan ang gulat ko sa pagsulpot ni Jade ngayong araw. Akala ko hindi ko na ulit siya makikita pagkatapos ng huli naming pagkikita.

And of course, I'm also happy to know she changed her mind... I just don't know why I can't approach her like I used to.

"'Uy, Lourence! Bakit 'di ka nakikisali sa group hug namin?! Nandito na si Jade oh!" Tinawag ako ni Bryle nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanila.

"Come here, couz! Aren't you happy to see our friend?!"

Nagtama ang mga paningin namin ni Jade at nakita ko ang pagtataka sa kaniya. Bigla akong nanlamig sa hindi malamang dahilan.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now