Chapter 58: Game Over

1 0 0
                                    

ALL FICTION



CHAPTER FIFTY-EIGHT

- Jason -

"SINO 'YAN?" Tanong ko sa isa nang mapansing may pinagkakaguluhan sa entrance ng kwarto.

"Ah, 'yan? Bagong recruit ni Fox sa grupo." Nakangisi niyang sagot.

"Dinala na sa taas?"

"Gusto niyang ikaw ang magdala sa kaniya ro'n," tumawa siya at nilapitan ako para magsalita. "Medyo wirdo rin ang isang 'yan, master. Pinaliwanag namin sa kaniya 'yung gagawin sa kaniya pero tuwang-tuwa pa siya. Sa payat niyang 'yan hindi siya takot mamatay."

Nanliit ang mga mata ko at pilit na tinatanaw ang lalaking pinagkakaguluhan sa may entrada. Matangkad ito, mestiso, payat, mukhang bata, may hitsura, may salamin, at mukhang mabait. Nakangiti siya habang kinakausap ang ilang lalaking nilapitan siya.

"Sigurado kang papasok 'yan dito?" Nagdududa kong tanong habang taas-kilay na hinuhusgahan ang bagong salta.

"Depende kung makakaligtas siya sa kamatayan," pabiro nitong tugon. "Pero kung halimbawang natanggap siya, saan mo siya ilalagay?"

Suminghal ako. "E di sa pinakamababa muna. Tingnan lang natin kung makatagal pa 'yan."

"Hay, kung nandito lang sana si Dominic sana siya na ang nagturo ng leksyon sa batang 'yan. Tutal mukhang magkasing-edad lang sila."

"H'wag mo nang ipaalala ang lalaking 'yan." Tiim-bagang kong tugon nang makaramdam ng matinding galit. Nabanggit lang ang pangalan ng lalaking 'yon nanginginig na ang laman ko.

Sa ilang segundong pag-uusap ng mga nagkukumpulan sa pinto ay naghiwa-hiwalay na rin sila. Nakita ko ang papalapit na bagong mukha na nakangiting naglalakad papunta sa akin.

"You must be Eros, right? The one they call master?" Excited nitong tanong at nilahad ang kamay sa 'kin. "I'm Curt Justin Laxamana. Nice to meet you, Jason."

Imbes na tanggapin ang kamay niya ay pairap akong tumayo sa kinauupuan at nilagpasan siya.

"Sumunod ka sa 'kin, bata. Saka na tayo maging close kung may napatunayan ka na."

"Hmm, we'll go to the chamber already?" Sinundan niya 'ko ng paglakad.

Hindi ako sumagot.

"I've heard many stories about you, Jason. They called you Eros 'cause you represent the god of love. No wonder kasi ang gwapo mo nga," daldal niya pero hindi ako sumagot. "Uhm... I'm expecting you to guide me from now on. Marami akong gustong matutunan galing sa'yo."

"Saka na kung natanggap ka." Balewala kong sabi.

"Promise matatanggap ako! Mahilig akong makipag-away sa school namin and I love to kill animals! Payat man ako pero malakas ang katawan ko sa physical injuries!"

"Ano naman?"

"I have a secret to tell you," lumapit pa siya para kami lang ang magkarinigan. "I'm a bipolar person. I have a split personality so if I turn into a monster, I can kill a person. I killed my classmate in elementary by stabbing him with a pen. Surprising, isn't it?"

Nangunot ang noo ko, ipinahalata ang gulat. "Pumapatay ka ng tao?"

Taas-noo siyang tumango, malaki ang ngiti. "Kapag ginalit lang nila ako, but as much as I can hold my personality, I stay calm and kind. That's a great power to distract an enemy, right?"

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now