chapter 7

132K 2.2K 97
                                    

CHAPTER 7

Hanggang ngayon clueless pa rin ako sa pinag usapan ni Mommy at Uriah, ayaw naman magshare ni Mommy. Si Uriah naman hindi matino kausap. Bahala na nga. Hayaan ko na nga, baka naman hindi ako involve doon.

" Oy bekla! Tama na 'yan. Baka lalo ka tumalino n'yan." Pang aasar sakin ni Nicolo.

Ginagawa ko na kasi kaagad 'yong homework ko dahil mamaya may trabaho pa ako.

" Oo nga Bes, sa bahay mo nalang gawin 'yan." Pangagatong ni Faye. Tinignan ko sila at ngumisi.

" Okay lang ako Bes. Madami pa kasi ako gagawin mamaya kaya tatapusin ko na muna 'to."

Yeah right! Madami talaga ko gagawin mamaya dahil baka kung anu-ano na naman iutos sakin nila Uriah. Kulang nalang pati ang pagbibilang ng mga butil ng bigas ay ipagawa na niya. Nang nakaraan nga ay inutusan niya 'kong hugasan lahat ng utensils sa bahay niya kahit malinis naman na 'yon. Ang sabi niya e maalikabok na daw.

Talagang sumasama ang mukha ko kapag naaalala 'yon. Ni kahit katiting nga na alikabok wala kang makikita doon. At ito pa, may baby bamboo tree kasi sa penthouse niya at talagang inutos sakin na punasan isa-isa ang bawat dahon n'yon. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay.

" Punta lang ako CR ah, sige usap lang kayo diyan."

Wala pa naman kaming teacher kaya pumunta muna akong comfort room. 'Di na 'ko nagpasama kay Faye busy kasi sila ni Nicolo sa pag uusap.

Paglabas ko ng cubicle ...

" Oh! look who's here. " sabay irap niya at tinignan ako pero patuloy padin siya sa paglagay ng blush on.

Andyan na naman ang B. B. G. stands for Brats bully Gang.

" The cheap girl, how are you?"

B. B. G. 'yan na ang tawag ko sa kanila since first day palang na-bully na nila ko. Maganda naman ang binigay kong pangalan sa kanila 'di ba? Kaysa naman impaktita. Nagbingi- bingihan lang ako, naaasiwa talaga ko sa mga pagmumukha ng mga 'to lalo na kapag nagsasalita sila.

" Akala mo ba nakalimutan ko na 'yong pagtapon mo ng pagkain sa damit ko?" mataray na pagkakasabi ni Alexis sakin.

Kilala ko na silang tatlo dahil nakekwento sila sakin ni Faye at Nicolo, besides classmates ko din sila. Sasabat ba 'ko? 'wag nalang nakakatamad e.

" Omg, she's deaf pity for her!" Joya.

OMG OMG! Ang aarte paenglish english pa. Lalabas na sana ako kaso hinarangan nila ako.

" Ano ba gusto mo mangyari?" Mitch.

'pasabugin ang mukha mo.' Sabihin ko kaya 'yan.

" Nag sorry na ko sa inyo dati 'di ba? Ayokong makipag away okay, padaanin niyo na ko kasi may gagawin pa ko." Maayos kong sabi. Napepredict ko na. Mag aaway kami dito tapos pag tutulungan nila ako.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon