chapter 10

131K 2K 55
                                    

CHAPTER 10

Makalipas ang ilang oras ay uwian na namin, sabay na kaming lumabas tatlo ni Nicolo and Faye. Sa labas ng school doon ko nakita si Dominic. Nakasandal sa kotse n'ya habang may mga kausap na mga babae.

Ganyan ba talaga siya kafriendly at kinakausap lahat ng lumalapit sa kanya.I'm not jealous... maybe. Siguro nga ay napakabait niya lang kahit kanino. Nakita kong napatingin siya sakin at ngumiti, nagpaalam siya sa mga kausap n'ya at lumapit sakin. Pansin ko naman ang pag irap sakin ng mga babaeng kausap niya kanina.

" Let's go?" tanong niya sa akin habang nakangiti.

Nagpaalam na kami kina Nicolo at Faye. Si Nicolo nanghingi ng favor na kung pwede daw ba siyang sumama kaso piningot lang siya ni Faye at pinasakay na ng kotse. Pasaway talaga 'yong dalawang 'yon. Bago kami sumakay ng kotse ay nakita ko sila Uriah na lumabas ng gate.

"Dominic. San kayo punta?" tanong ni Kurt habang kumakain. Everytime nalang ata na makikita ko siya ay may kinakain siya kahit nagkaklase.

"Ikaw Agatha ah, 'di mo sinasabi nag didate kayo ni Dominic." pang-aasar ni Mars, sabay tingin sa mga babaeng nakatingin sa kanila. "Hi." Sabay kindat niya dito. Halos mangisay ang mga babaeng 'yon nang tignan ko.

Lalo tuloy kami pinagtitinginan ng mga tao dito. Iyong ibang babae grabe kung makatingin sa akin .Ito na nga ba kinatatakutan ko eh, ang isipin nila na may connection ako sa Glefficial.

" Stop teasing Agatha pare! Magpapasama lang ako. Saan lakad niyo?"

Napayuko ako saglit at iniiwas ang tingin kay Doms, sabi na nga ba magpapasama lang siya sa akin. Bakit naman kasi iisipin ko na niyayaya n'ya ko makipag date, assuming ko talaga. 'Di pa talaga ako nadala.

Napatingin ako saglit kay Uriah, iba talaga ang aura niya. Kahit na tahimik lang siya ay nararamdaman ko siya. Pinasadahan niya ako nang tingin saglit pagkatapos ay nanigarilyo na.

Kawawa naman ang baga niya. Hindi ko maitatanggi, talagang mahusay pala siya sa Math.

" sa G-Zone mamaya punta ka, gimik tayo tsaka may gagawin tayo." singit ni Jonas, isa pa 'to smoker din.

After that sumakay na kaming kotse at umalis na. Kahit papaano Dominic makes effort para hindi ako mailang sa kanya. Naglibot libot kami tapos pumunta sa Arclandia.

'Arclandia, ang lakas maka beki ng pangalan.'

Iba nadin ang epekto sa akin ni Nicolo, pakiramdam ko e nahahawaan na niya ako ng dugo niya.

" You wanna play?"

" Teka, wala ka na bang bibilhin or gagawin? 'Diba sabi mo magpapasama ka sakin?"

" Oo nga, nagpapasama ko sayo na gumala." mabilis niyang tugon. Mabilis na kumurap ang mga mata ko. "Alam kong stress ka sa work mo kaya magrelax ka nalang muna ngayon." Dagdag niya.

Hindi ko na naitago at dahan dahan akong napingiti. Nakakainis na 'tong si Dominic minsan, hindi ko na siya maintindihan, sadyang natural lang talaga sa kanya siguro 'yong pagiging mabait. Ang swerte ko na naging kaibigan siya.

"Let us try this" sabay turo niya sa xbox 360 kinect dance games. Hindi ko pa 'to nasusubukan.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon