chapter 13

130K 2.1K 65
                                    

CHAPTER 13

Pinilit kong abutin ang cellphone ko sa back seat. Kailangan kong makahingi ng tulong kina Kurt.

Kahit na kapos na kapos na ako sa hininga ay pinilit kong lumabas ng sasakyan. Pinunasan ko ang mga luha ko.

Doon ay nakita kong walang awang pinag susuntok ni Uriah si Marco.

Kumukuyom ang kanyang panga sa gigil. Nakita ko ang kamay niyang dumudugo. Hindi ko alam kung dugo 'yon mula sa mukha ni Marco o sa kamay niya. Sobrang daming dugo na halos maihilamos na 'yon sa buong mukha ni Marco.

Kahit 'di ko nararamdaman alam kong napakasakit ng bawat suntok na binibigay niya. Buong lakas at tila akala mo hindi din nasasaktan ang mga kamao niya. Hanggang sa napansin kong hindi lang pala dugo 'yon ni Marco kundi dugo 'yon mula sa hiwa niya sa may kamay.

" Hey, enough!" sigaw ko, I swear isa na ata 'yon sa pinakamalakas na nagawa ko sa buong buhay ko. Dahilan para maubo ako at lalong kapusin ng hininga.

Nanginginig kong binuksan ang cellphone ko para tawagan sila Doms pero bago ko pa 'yon magawa ay lumitaw sa screen ang pangalan ni Mars sa cellphone ko at tumatawag. Agad ko iyong sinagot.

" H-hello Mars help us, si Uriah tulungan niyo." Bungad ko sa kanya habang humihikbi at naghahabol nang hininga.

" Saan kayo? Andito kami sa labas kanina pa namin kayo hinahanap." Nag-aalalang tugon ni Mars. Sa kabilang linya ay tila parang naririnig ko na nakikipaglaban sila.

" Di-dito sa may drop off along the Ontario St. Teka? Nakikipaglaban ba kayo?"

" Oo teka Agatha...Hoy Dominic, kayo na bahala dyan. Pupuntahan namin si Agatha."puro kalabog ang naririnig ko sa kabilang linya. Sana ayos lang sila.

"Hello Agatha, relax ka lang okay? Makinig kang mabuti... If you can escape or go to some safer place just do it... now." Pinakalma niya din ang boses niya para kumalma ako.

Matapos kong kausapin si Mars saktong nakita kong may tumatakbong grupo ng mga lalaki dito, sila Mars na ba 'yon? Nilipat lipat ko ang tingin doon pati kay Uriah. Lumapit ako kay Uriah para awatin siya dahil baka mapatay niya si Marco.

"Uriah tama na 'yan." Nag-aalangan akong hawakan siya dahil galit na galit talaga siya.

Pero nang ibalik ko ang tingin sa mga lalaking papalapit ay napaatras nalang ako at halos lumuwa ang mga mata ko. Hindi 'yan sila Mars. Kasamahan siya nila Marco. Mga tatlo sila.

Para akong baliw dito na nanunuod ng action movie, hindi ko alam kung anong itutulong ko.

" Ano? Nakuha mo pang manood! Umalis ka na!"

Sigaw sakin ni Uriah sabay bitaw sa duguan at halos mawalan na ng malay na si Marco. Tila sasalubugin niya ang mga padating.

"Hoy g*go!" sigaw nung lalaki sa kanya. Gusto ko na lumipad sa sobrang kaba. Kaso 'di ko kayang iwan si Uriah. Dumudugo ang kamay niya at alam kong masakit na 'yon. Kahit sabihin mong kaya niya ang mga 'to e 'di ko padin kakayanin na hayaan lang siyang ganito.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon