chapter 62

95K 1.6K 182
                                    

CHAPTER 62

Talo ko pa ang nababaliw sa ginagawa kong 'to. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko kaso mamaya-maya ay mahuhuli ko na naman ang sarili ko na nakangiti. P*tcha hindi talaga ako 'to.

Tinititigan ako ng mga nakakasalubong ko maglakad lalo na ng mga babae, kaya 'pag ganoon ay back to serious face ako. Mamaya isipin nila para akong tanga.

I can't explain how happy I am. Sounds corny, but that's true. Scratch that. Kung anu-ano na naman nasasabi ko. Hindi ko alam kung na-sense ba ng babaeng 'yon na gusto kong malaman ang pangalan n'ya at ginawa n'ya 'yon. Nalaman ko 'yong pangalan n'ya nang wala man lang akong sinasabi o tinatanong. That's nice.

Sa kakaisip ko hindi ko na namalayan na malapit na pala ako kina ate, kaunting lakad na lang ay andoon na ko sa kanila. Wala pa naman si Chin sa bahay nila lagi kasi nasa trabaho 'yon pag gabi.

Habang papalapit nang papalapit na ako, nakita ko na may nakaparadang kotse sa harap ng bahay nila. That is Dominic's car.

'Anong ginagawa n'ya dito? Akala ko may pupuntahan siya.'

Seryoso silang nag-uusap sa harap ng gate, parang may mali. Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa malapit na ako sa kanila. Tatawagin ko sana sila kaso hindi ko na ginawa, hindi ko sinasadyang makinig sa usapan nila pero natigilan ako nang mapansin kong parang may kakaiba sa kanila.

" Doms... pwede bang sa atin-atin na lang 'yong nangyari kanina? Ayoko ng magkagulo..."

Napag-isipan kong 'wag muna magpakita kaya tumigil ako sa paglalakad, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Napatingin ako sa mukha ni Doms. It's not common, 'yong ganyan dating alam kong may nangyaring 'di maganda. It's either he is mad or worried.

" Lasing lang siya 'di ba? lasing lang siya kaya nagawa n'ya sakin 'yon."

Nang sabihin 'yon ni ate napaisip ako sa kung anong nangyari, hindi maari... alam kong hindi n'ya gagawin 'yon.

" Ako din kasi may kasalanan, e... sabi n'ya kasi 'wag na ko pumunta dun sa penthouse kaso ..."

Agad na nag-init ang ulo ko nang marinig 'yon lalo na nang bigla siyang maiyak. 'Di ako sigurado kung tama nga ang naiisip ko.

" Bakit anong ginawa ni Uriah sa'yo?"

Napatingin sila sa'kin at hindi nila akalain na andito ako. Nakita kong namumugto ang mga mata ni ate. Nag iwas siya ng tingin sa'kin. Wala ng kwenta ang ginawa n'ya dahil alam kong kanina pa siya umiiyak.

" Ano ba ang nangyari?"

Iniwasan ko ang sumigaw pero banaad sa boses ko ang inis. Nilapitan ko si ate at hinawakan siya sa dalawang balikat para iharap sa'kin.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan n'ya kasabay n'yon ang pagpatak ng mga luha n'ya. Hindi n'ya ako magawang tignan at yumuko nalang siya.

Nagtataka ako kung bakit ganoon na lang kahigpit ang paghawak ni Agatha sa suot niyang coat na para bang may tinatakpan siyang kung ano sa katawan n'ya.

Tinignan ko nang matalim si Doms, pero hindi pa rin n'ya sinabi sakin ang nangyari. Tinitigan n'ya lang ulit ako sabay binalik n'ya ang tingin kay Agatha.

Agad na kumuyom ang panga ko. Kahit hindi na n'ya sabihin sa'kin kung ano ang nangyari alam ko sa sarili ko na tama ang nasa isip ko, sa mga nangyari kanina sa mansion at sa kung papaano umiyak at manginig si Agatha marahil tama nga ang hinala ko. Ibig sabihin dumiretso lang sa penthouse si Uriah pagkagaling sa mansion.

" Sabi ko 'di ba 'wag kang pupunta doon!" Napadiin din ang hawak ko sa balikat n'ya habang kinakausap siya. "BAKIT BA ANG TIGAS NG ULO MO?!" Nasigawan ko siya sa sobrang inis, nanggigigil ako.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon