chapter 78

109K 1.8K 256
                                    

CHAPTER 78

Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

'Oh my,'

Halos mapalundag ako sa gulat. Agad akong napalunok, sa sobrang kaba ay agad na nanuyo ang lalamunan ko. Kinabahan ako dahil pakiramdam ko ay sasaktan ako ng taong 'to.

Takot na takot ako, hindi ko mapigilan ang takot na 'to. Nakakakilabot. Nakita ko naman na nakatingin ang mga tao sa taong nasa likod ko at tila gulat din.

Dahan dahan akong lumingon. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ...

Una kong nakita ang kamay niyang nakahawak sa braso ko , ang polo niya ... at ang amoy niya. 'Yon palang pero parang tatalon na ang puso ko. 'Di ako pwede magkamali.

Yung kabog ng dibdib ko ngayon, kakaiba na. Hanggang sa tumingala ako at doon ko nakita ang maaliwalas niyang mukha.

Bigla akong kinapos ng hininga. 'Di ko akalain na ganito ang epekto sa'kin ng muli naming pagkikita. Naramdaman ko ang pamumuo ng tubig sa mga mata ko. Hindi ko maipaliwanag pero masaya ako. Sa loob loob ko ay gusto kong maiyak. Nakauniform siya... isa lang ibig sabihin nito. Ipagpapatuloy ni Uriah ang pag aaral niya.

Hindi ako makapagsalita. Pinigilan kong maluha. Hanggang sa dumausdos ang kamay niya sa braso ko pababa sa kamay ko.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Ang takot ko kanina nawala, feeling ko safe na safe ako ngayon. Ang maramdaman ko siya ay parang gamot na napapakalma ako.

"Let's go." kaswal na sabi niya habang nakatingin sakin. 'Yong tingin na nagsasabing wag akong mag alala. Ang titig na 'yan, ang boses na 'yan. Namiss ko.

Namalayan ko nalang sabay na kaming naglalakad papunta sa room namin. Habang sila Jonas ay nasa likuran lang namin.

"Girl oh! Si Uriah.. teka sila nga oh... look!"

"So sila naman pala talaga, e."

"Aray ko beh."

Nailang nalang ako bigla nang mapansin kong halos lahat samin ay nakatingin na. Tinignan ko ang mukha ni Uriah saglit, diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin habang hawak hawak niya ang kamay ko. Tila walang pakealam sa paligid. Ganoon padin, mukhang masungit pero maaliwalas ang dating niya.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to. E, 'di ba nga noon ayaw niyang malaman ng lahat na may koneksyon ako sa kanila pero ito ngayon... 'di na kailangan ng status sa fb o kaya salita para sabihing kami nga talaga. Pakiramdam ko talaga ay matatanggal na ang puso ko sa loob ng katawan ko.

Naiilang ako, 'di ako sanay. Tapos biglang may parang pumukpok sa ulo ko at naalala 'yong kasalanan niya sakin. 'di pwede 'to aba! At tsaka ano? Ganun ganun nalang. May kasalanan pa siya sakin. Kaya naman pinilit kong makawala ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Don't you dare... 'di ko bibitawan ang kamay mo hanggat 'di tayo nakakarating sa room."

Tiningnan ko siya ng masama. Pero kahit na, nagpumilit padin ako. Kaso 'di niya binitiwan ang kamay ko.

"Wag mong tanggalin. Gusto mo bang magduda ang mga tao dito?" Narinig ko naman na bumulong sa likod ko si Kurt. "Ngayon wala na mambubully sayo sa eskwelahang 'to..."

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya at napatigil siya sa pagsasalita. Paglingon ko sa likod nakaakbay na sa kanya si Jonas tapos nginitian lang nila ako.

Hindi ko magawang ngumiti bilang tugon. Ibinalik ko ang tingin sa daan. Oo nga pala, para sa'kin din 'to. Gusto lang siguro ni Uriah na ipamuka sa lahat na KUNWARI kami talaga para wala na manakit sa'kin at matapos na ang issue samin.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon