chapter 50

117K 2.2K 334
                                    

CHAPTER 50

Tinignan niya lang ako ng ilang segundo bago sumagot.

"She's .... a good friend of mine."

Ay ! Friend lang pala talaga. Akala ko suitor or boyfriend na. Sayang.

Hinubad ni Mr.Brahmin ang black suit niya at kinuha iyon ng bodyguard niya. Pakiramdam ko nasa mafia world ako. Parang ganoon kasi 'yong aura nila na napapanuod ko sa mga palabas. Tahimik, laging nakaitim, nakakatakot, at halatang may kaya sa buhay.

Sakto pagkaandar nang sasakyan ay naalala ko na ihahatid pala ako ni Doms! Naku naman .. dali- dali kong kinuha ang cellphone ko. May 3 missed calls na galing sa kanya. Kaya kagad akong nagtext at nag sorry para sabihing nauna na ako umuwi.

Ilang minuto lang ay nandito na kami sa bahay. Pinasok ko muna sa kwarto si chuchi dahil nakakahiya. Wala si Chin dito panigurado ay umalis na 'yon para pumunta kina Jonas. Sayang naman, panigurado magugulat 'yon pag nakita niya na kasama ko 'yong kadate ni Mom last day.

"Ikaw lang ba lagi mag isa dito?" tanong ni Mr.Brahmin habang pinapatong ko ang juice at munchkin sa mesa. Kami lang ang dalawa na andito ngayon sa loob. Nakabantay kasi sa labas ang mga kasama niya.

"Pag mga gantong oras andito din po pinsan ko pero umalis siya ngayon. Si Mom naman umaga na umuuwi galing hospital... kain po kayo."

Medyo natataranta pa ako kasi alam mo 'yon. Nakakahiya munchkin ang pinapakain ko sa kanya. Wala kasing ibang mahain hindi ako prepared. Pagkatapos n'yon ay di na siya nagsalita,

"Aakyat lang po ako saglit."

bubuksan ko sana 'yong TV para makanuod siya habang kukuha ko ng pera at magbibihis nadin.

"Don't turn it on I'll be fine.." bigla niyang napansin 'yong photo album sa ilalim ng mesa. "Pwede ko ba tignan 'yong photo album niyo while we're waiting for you."

"Ah sure po!" Agad na tugon ko. Naku makikita niya 'yong bungi pa ako ng baby ako! nakakahiya! Kinuha ko 'yong album at inabot 'yon sa kanya. Siguro mahilig siya magtingin tingin ng picture. Nagbow ako ng unti para mag excuse at umakyat na ako.

Dali-dali akong nagpalit ng damit at kumuha ng pera. Dahan dahan ako bumaba ng hagdan para hindi makagawa ng ingay,habang bumababa ako pinapanuod ko siya. Tinitignan niya talaga nang maigi ang bawat picture.

Umupo ako sa kabilang sofa. Hihintayin ko nalang siya matapos bago kami umalis. Bahala na kung malate ako pumuntang penthouse.Paano kaya siya nakilala ng mommy ko? Alam niya din kayang may sakit ako? O kaya kilala niya kaya ang tatay ko?

"Mukhang napalaki ka ng maayos ni Julia... " sambit niya habang tuloy padin sa pagtingin ng picture ko. Para ngang nakikita na niya 'yong evolution nang pagtanda ko. Evolution talaga! Kada taon ba naman ang dami namin picture ni mom, lalo na pag nagbabakasyon kami. Ngayon kasi sobrang busy na niya kaya hindi kami makapagbakasyon sa ibang lugar.

Ngayon ko lang napansin, may tattoo siya sa kamay. Parang abstract 'yong tattoo hindi ko maintindihan kung ano ba 'yon. Dragon ata.

Kada lipat niya ng page ng album di ko napigilan at nakikwento ko kung saan, kailan kinuhaan 'yon. Nakakahiya 'yong iba kung picture ang panget kasi. Natatawa nalang ako habang nagkekwento, marunong din naman siya tumawa kahit mararamdaman mong seryoso siyang tao. Masyadong napapasarap ang usapan namin dalawa, ngayon lang kasi ako nakipagbonding sa kaibigan ni mommy.

Actually enjoy naman,ang hirap ipaliwanag pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Nakakalimutan ko kahit papaano ang mga problema ko. Ganito kaya 'yong pakiramdam na may ama ka?

"Kayo po ba may anak din?"

Tanong ko bigla sa gitna nang usapan namin. Bigla siyang napatigil sa pagtawa at napatingin sakin.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon