chapter 27

126K 2K 202
                                    

CHAPTER 27

" Ahhhhhhh! Ang sarap ... ahhhh! Grabe ahhh ... Ay tarant*do! Hoy! Bakit 'di muna kayo kumatok!"

Sigaw niya at dali-daling umayos ng upo. Mukhang nagulat din siya nung makita kami ni Ethan. Pinagpag niya ang damit niya gamit ang mga kamay niya.

Napangiwi nalang ako at parang babaliktad ata ang sikmura ko.Hindi ko inaasahan na ganito ang aabutan ko.

" What the hell. Sa'yo lahat yan?" –Ethan.

" Grabe ka... Paano mo kinaya yan?"

Napailing ako sa nakita ko. Hindi ko alam na ganyan siya katindi. Pawis na pawis na siya kahit naka aircon dito.

" Huwag nga kayo makialam, minsan lang naman 'to eh!"

Sabi niya na medyo nahihiya at may halong inis sabay punas ng bibig.

" Masarap ba pre?"

tanong ni Ethan at ngumisi.

" Hay grabe! Hayuk na hayuk ka sa laman ah. Tsk Tsk!" pang-aasar namin ni Ethan. Mukhang naaasar na nga siya.

" Umalis na kayo mga istorbo."

" Hinay-hinay lang pre, atakihin ka d'yan. Nagkalat ka pa oh."

" Gross... may puti ka pa dito oh. Yuck!"

Tinuro ko pa ang baba ko para may idea siya kung saan banda ang tinutukoy ko.

Ano ang puti na 'yon? Eww.

" Grabe parang intense na intense ka d'yan at naliligo ka pa sa pawis. " Dagdag ko,

mukhang hiyang-hiya siya sa itsura niya ngayon. Pero 'yong itsura niya kanina sarap na sarap at parang natatakam nga. Nakapikit pa nga siya habang ginagawa 'yon kanina.

Lumapit ako ng kaunti sa kaniya. Nacurious ako parang gusto ko din i-try. Kahit parang kadiri dahil pinagsawaan na nga niya 'to parang masarap pa rin. Kaso bawal 'to sa akin.

" Pwedeng pa-try?" Tanong ko with matching voice na nagpapaawa.

" Hoy! Hindi pwede! Halika nga dito tsaka tingnan mo mukhang pinagsawaan na niya 'yan." Saway ni Ethan at binatukan ako ng mahina.

Napasimangot ako. Mukha pa naman tender and juicy ito. Ano daw? Parang hotdog lang. Pero seryoso gusto ko siya. Malaman tapos malaki pa.

" Ang OA n'yo ah! Lumayas na nga kayo. Akin lang lahat 'tong crispy pata! Akin lang. Tsaka bawal 'to sa'yo mataas ang cholesterol."

Pagmamadamot ni Kurt sa pagkain niya. Yup! crispy pata 'yong nilalantakan niya pagdating namin. Akala ko nga gumagawa na siya ng kababalaghan, e. Aware pala siyang macholesterol ang kinakain niya pero sige padin siya.

Grabe 'di ba, ang takaw lang. Akala ko pa naman e, busy na siya sa pambabae ngayon,'yon pala busy siya sa paglamon. Ngayon napatunayan ko kung gaano niya kamahal ang pagkain.

Ayon nga lang madamot.

" Teka? Paano n'yo nalaman na bawal sa akin ang macholesterol na pagkain?"

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon