chapter 72

85.4K 1.8K 150
                                    

 CHAPTER 72

Hindi n'ya maialis ang tingin sa pintuan ng coffee shop. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang hinihintay n'ya.

Agad naman siyang nakita nito kaya agad itong pumunta sa kanyang kinapu-pwestuhan at umupo sa harapan n'ya.

" In-order na pala kita ng coffee, may gusto ka pa bang kainin?" malumanay na tanong ni Agatha sa kanya.

" Wala." matipid nitong sagot sabay nag-cross arm at nakatitig lang sa kanya. " 'Wag mo na sayangin ang oras ko, anong kailangan mo?"

'Di na bago para kay Agatha ang inaasta ni Alexis, inasahan na n'ya na kahit kailan ay hindi sila magkakasundo nito.

Napansin naman ni Alexis na namumugto ang mata ni Agatha pero umarte siyang walang pakealam. Panandalian na ininom ni Agatha ang kape.

" Don't waste my time!" iritableng sabi ni Alexis.

Tinigil saglit ni Agatha ang pag-inom." Teka lang 'di'ba? Sayang naman pagbili ko dito!" sabay inom ulit.

" Ibang klase..." Sabay ngisi ni Alexis.

Inilapag na ni Agatha ang baso sa mesa. Nag-seryoso na siya at tila iniisip ang mga dapat itanong.

" May mga iilang bagay ako na gustong malaman." –Agatha.

" Hindi ko alam ang gusto mong mangyari pero ano bang alam ko sa inyo? Wala akong kinalaman sa inyo ng Glefficial." -Alexis.

" Pero kaibigan mo sila..."

" That was before Agatha."

Halata sa boses ni Alexis ang inis.

" Gusto ko lang maliwanagan tungkol sa sinabi mo nung nakaraang araw sakin... 'Yong araw na 'di ka pumasok at pinuntahan mo lang ako sa school para sigawan at sampalin. Ang galing mo din e 'no..." nagtinginan lang sa mata sa mata ang dalawa. "Anong alam mo samin ng Glefficial at ako ang sinisisi mo sa mga nangyayari?"

" You know that I don't really like you Agatha but then okay... I'll be honest with you. I don't care about the f*cking business you have with Glefficial."

" So you mean alam mo na dati pa ang tungkol sa kontrata namin? Kailan pa?"

" Contract? So may kontrata ka pala sa kanila. Maybe I'm right na pinaglalaruan ka nga nila. Poor girl." sa itsura ni Alexis ay parang gusto niyang matawa para asarin si Agatha." Anyways, like I said I don't care about the business you have with them. Napansin ko lang na may kakaiba sa inyo ng Glefficial... You're 'not just a typical classmate and person for them."

Tinitiis na lang ni Agatha ang matalim na dila ni Alexis dahil kailangan n'ya marinig ang kapaliwanagan nito.

Nanatili siyang kalmado, kahit papaano ay nasanay na siya sa pakikitungo sa kanya nito.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon