chapter 23

123K 1.9K 65
                                    

CHAPTER 23

Past few days passed, wala naman kakaibang mga nangyayari ngayon. Sinisimulan na namin ni Ethan 'yong balak namin dalawa.

Akala ko nung una hindi siya papayag kasi sobrang malapit siya kay Uriah pero naisip n'ya din na tama ang gagawin namin at nahalata n'yang may kakaiba ngang nangyayari.

Wala na naman kaming teacher kaya lumabas muna ako at sumilip sa room nila, sakto wala din silang teacher kaya pumasok ako. Lagi atang wala ang mga teacher ngayon.

" Yow ..."

" Hindi pa oras ng dalaw pare! Haha ... " –Mars.

" Sira, wala kasi kaming teacher dito muna ko."

Si Faye at 'yong Nicolo ata 'yon busy sa pag uusap habang si Agatha nakaubob 'yong mukha sa desk habang may nakapasak na earphone sa tenga n'ya.

Nilapitan ko sila Faye at kinausap saglit, hindi daw nila alam kung ano nangyayari kay Agatha , bigla bigla nalang nananahimik. Ilang araw na daw siyang ganyan.

Nakipagpalit muna ako ng upuan sa classmate n'ya para tabihan si Agatha. Hindi ako nagsasalita, hinahantay ko na magising siya. Baka natutulog siya.

Maya maya iniangat n'ya ang ulo n'ya at nagulat ata ng nakita n'ya kong nasa tabi n'ya, dang! She's cute. Dali dali siya umayos ng upo. Pasimple akong napatawa pero pinipigilan ko.

" Nagising ba kita? Sorry."

" Hah? Hindi ah! Hehe! Hindi naman ako tulog . Nakapikit lang ako." Sabay binalik n'ya 'yong ipad ni Jonas.

Mabuti naman at nagagawa na n'yang makahalubilo kina Jonas kahit sa madaming tao. Natatakot siya na baka malaman na may koneksyon siya samin kaya medyo iwas siya.

" Wala din ba kayong teacher?"

Tumango lang ako. Matamlay siya, hindi ganoon kadaldal. May kakaiba.May mali talaga.

" Malungkot ka pa rin ba dahil sa sinabi ng doctor?"

Agad siyang umiling, wala naman nakakarinig sa aming iba.

" Okay Sige. Hindi kita pipilitin na sabihin mo sakin pero pag may kailangan ka sabihin mo lang."

She gave me a weak smile then bowed her head. Ilang segundo siyang nakaganun lang.

" August 28." She said without looking at me.

" Anong meron bukas Agatha?" Huminga siya ng malalim , nakangiti siya pero mababanaad mo sa mukha n'ya ang lungkot.

" Anniversary namin ...ni Jacob."

Sa sinabi n'ya hindi ko alam kung anong dapat sabihin. It's really wrong to tell her 'happy anniversary sa inyo'. Hindi ko alam ang tamang approach para hindi siya maoffend.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon