chapter 80

107K 1.7K 273
                                    

CHAPTER 80

THIRD PERSON'S P.O.V.

Pauwi na ng siyudad si Dominic galing photoshoot sa Laguna, habang papalapit siya ng papalapit sa syudad ay nararamdaman na n'ya ang epekto ng malakas na pag ulan. Traffic at madulas na rin ang daan.

"9:30 na pala." sambit n'ya habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan. Pagod na siya at nakaramdam na ng gutom.

Biglang tumawag si Kurt kaya nilagay n'ya ang wireless headset sa tenga.

"Oh Kurt?"

"Nasaan ka na? Kala ko ngayon uwi mo?"

"Oo nga, kaso traffic, e. Baka bukas ko na mabigay 'to sayo."

Rinig n'ya ang pagbuntong hininga ni Kurt sa kabilang linya kaya napangiti siya bigla.

"Okay, ingat ka pre ah! Baha na rin sa mga daan, e."

"Oo. Hahaha! Wag ka mag alala madami naman akong binili para sayo."

"Sige, ingat."

Binaba na n'ya ang tawag. Napatingin siya sa passenger seat kung saan nakalagay 'yong mga pagkaing pasalubong n'ya para sa mga kaibigan at lalo na para kay Kurt.

'Kumusta na kaya siya?' natanong n'ya sa isip n'ya. Naalala n'ya si Agatha bigla. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya at itetext ito para kumustahin. Nag aalala siya na baka nasa labas pa rin ito gayong bumabagyo. Pero agad siyang natigilan nang maalala na andito na ulit si Uriah.

Napangiti siya bigla at naisip na paniguradong kung nasaan man si Agatha ay binabantayan ito ni Uriah. Alam na alam n'ya ang takbo ng isip ng kaibigan kaya bigla siyang napanatag.

Naisip n'yang dumistansya muna kay Agatha para bigyan ng oras ang dalawa. Nung una nahirapan siya pero ngayon ay tanggap na n'ya na hanggang magkaibigan nalang ang relasyon nila ni Agatha.

Tinanggap na n'ya 'yon kaysa ipagpilitan ang sarili, matagal din naman niyang kinondisyon ang sarili sa ganitong sitwasyon. At alam naman niyang sa simula palang gusto na ni Uriah si Agatha. Alam naman n'ya kung kanino mas sasaya ang pinaka espesyal niyang kaibigan.

'Wala man kasiguraduhan sa kung sino ang matitira sa Glefficial at B.A ,pero sigurado naman akong ipaglalaban nila ang isat isa. '

Araw-araw bumabagabag sa kanilang Glefficial ang kung anong maaaring mangyari sa muling pagtagpo ng B.A. at grupo nila.

'Pag dumating na ang oras na 'yon maraming tao ang maapektuhan. Paniguradong ubusan 'to ng lahi.'

Sa ngayon ay tahimik lang ang dalawang panig at naghihintay ng tamang oras, alam nilang may binabalak na iba si Uriah sa biglaang pagbabalik nito kaya ganoon nalang sila kakampante. Alam nilang sasabihin din ni Uriah ang binabalak nito. At kung anuman 'yon, panigurado na para 'yon sa ikabubuti ni Agatha.

Kahit papaano ay nakausad na ang daloy ng trapiko ngunit pabugso bugso pa rin ang buhos ng ulan. Saktong nakatigil ang mga sasakyan ay napatingin si Dominic sa kanang bintana ng kanyang kotse.

Napatingin siya ng ilang segundo sa gusaling 'yon. Nung makita n'ya 'yon ay may kung anong mga alaala ang nanumbalik sa utak n'ya.

Maging 'yung tunog ng piano ay tila naririnig pa rin n'ya. Agad na pomorma ng ngiti ang labi niya. May kung anong 'di maipaliwanag na dahilan at bigla siya lumiko at nagpark sa tapat ng restaurant na 'yon.

Madali niyang kinuha ang cellphone at wallet n'ya pagkatapos ay lumabas ng kotse. Patakbo siyang pumasok sa loob upang 'di mabasa.

Pagkapasok na pagkapasok palang n'ya sa restaurant ay iba agad ang pakiramdam na naibigay nito sa kanya.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon