chapter 52

107K 2K 306
                                    

CHAPTER 52

'Agatha, pakopya ng assignment bukas ah! Lab yu.'

-Nicolo.

'Hoy babaita! I-lock mo 'yong pinto. Baka makalimutan mo na naman. '

-Chin.

Pagkatapos kong basahin 'yong messages ay binitawan ko kaagad ang cellphone ko.

Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko.

Napabuntong hininga ako, oo medyo relief pero ang nakakainis may dissapointment akong naramdaman. Ikinuskos ko ang palad sa mukha ko. Kainis naman! Ang abnormal ko talaga. Nabasa n'ya kaya 'yon tapos ini-snob n'ya lang? Wala man lang reply.

'Ano bang mas masakit? Wala siyang reply o 'yong replyan n'ya ko ng kahit anong masasakit na salita.'

Kahit 'K' man lang, o kaya 'baliw ka', na reply wala. Nakakabadtrip. Oo nabadtrip ako bigla.

JONAS' P.O.V.

Men! Nagka-POV din sa wakas. Astig.

" Young master, kailangan niyo na umuwi bago mag 11pm. May pasok pa bukas."

Ayan na naman siya. Minsan nga hindi ko na alam kung sino ang amo sa'ming dalawa ni Demi.

" Ayoko mauna ka na umuwi kung gusto mo. Ubusin nalang 'tong isang bote."

Matamlay kong sagot sa kanya sabay inom ng beer. Pero joke ko lang 'yon. 'di ako papayag na 'di ko siya kasama pauwi. Mahirap na kahit sabihin mong malakas siya e, babae pa rin siya.

'di ba parang bodyguard n'ya din ako. Hindi n'ya nga lang alam 'yon. Lagi ko din binabantayan ang mga kilos n'ya. Nung una talaga nababanas ako sa babaeng 'to, ngayon di ko alam... minsan kasi natatawa nalang ako sa kanya ang hina niya kasi pumick-up.

Andito kami sa G-zone ngayon, biglaan lang 'to. Ako, Uriah, Demi, Ethan at Mars lang ang andito ewan ko ba dito kay Uriah nakauwi na siya kanina sa penthouse n'ya sabay umalis ulit at nagyaya mag inom.

Mukhang problemado na naman si pinuno. Sabagay lagi naman siyang problemado, lalo na ngayon na komplikado ang mga nangyayari.

.

Di n'ya ko gayahin chill lang.

"Pakyu, di ka sisindi?" kanina ko pa pinipihit 'tong lighter ayaw. Ibabato ko talaga 'to pag ako nabanas. "Ayaw mo. Takte ka." sabay bato ko kaya sumabog 'yon. Mabilis talaga ako mabanas sa mga bagay-bagay lalo na kapag palyado. Bumili ako hindi para mastress.

Kukunin ko na sana 'yong bote ko nung makita kong tinutungga na 'yon ni Demi. Takte 'yan!

"Tignan mo 'to..." mabigat ang tingin ko sa kanya,

" Ayan ubos na." bitaw niya ng bote. "Tara na?" Ano ba naman 'tong babaeng 'to walang emosyon.

"Hindi! Sinabi ko bang inumin mo!"

"Pero sabi mo pag ubos na 'to uwi na?"

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon