chapter 75

106K 1.7K 222
                                    

CHAPTER 75

AGATHA'S P.O.V.

" 'Di kaya pinadukot siya ng dad mo Agatha?"

Napatingin lang ako sa sahig. 'Di nga kaya?

Hindi ako sumagot. Napalunok ako, pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko sa kaba. Si Uriah nawawala pala. 'Di nga malabong baka tatay ko ang gumawa n'yon. Paano na?

Gabi na pala, kailangan ko na umuwi para uminom ng gamot at pakainin si Chuchi.

" Una na ko. Salamat ulit Mars. Pagaling ka."

Nilapitan ko siya tsaka niyakap. Pero alam mo 'yon medyo ilang pa rin ako sa kanila.

Si Chin maya-maya babalik na ng club.

" Una na ko." paalam ko sa lahat pero 'di ko sila tiningnan isa-isa.

" Agatha, alam kong may galit ka pa sa'min pero sana, maging maayos ulit ang samahan natin. Sorry" -Jonas.

" Oo nga, sorry sa pagiging bad ko sa'yo." – Kurt.

Napalunok ulit ako. Feeling ko maiiyak na naman ako, kaya bago sila magsalita lahat at humingi ng sorry sa'kin ay lumabas na ako ng kwarto.

Hindi pa ako ganoon ka-ready. Tsaka idagdag mo pa na may problema na naman. Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang nangyari kay Uriah. 'Di pa rin mawala ang kaba ko.

Habang naglalakad ako sa hallway nagulat na lang ako nang mapatingin ako sa kasabay ko maglakad. Si Doms... 'di ko namalayan agad na andito pala siya.

" Hatid na kita..."

" 'Di na." matamlay kong sagot.

" Ako na lang maghahatid." Napalingon ako sa likod saglit. Nasa likod ko din pala si Ethan.

Hay naku naman! Nagmadali akong lumakad. 'Di ako komportableng kasama sila ngayon.

" Kung ayaw mo sumabay ka na lang. Kasi madadaanan ko naman 'yong inyo papunta sa studio e." -Dominic.

Eh parang ganoon din naman 'yon 'di ba? Wala ako sa sarili, ayokong makipag-usap kaya 'di na ako sumagot. 'dire-diretso lang ako sa paglabas ng hospital.

Nagulat na lang ako nang...

May humila sa'kin palayo sa kalsada. Mabilis na kumalabog ang puso ko sa kaba, muntikan na ako mahagip ng sasakyan.

" Are you okay?" -Dominic.

Tumango lang ako habang hinahabol ang paghinga ko.

"G*go 'to ah."

Sabay takbo ni Ethan at hinabol 'yong sasakyan. Pinalo n'ya ang likuran ng kotse pero hindi ito tumigil, mas binilisan pa ng driver ang pagpapatakbo kaya napatigil na sa pagtakbo si Ethan ng tuluyan nang makalayo ang kotse.

"Nakuha mo plate number?" -Dominic.

Tumango lang si Ethan. "Leave it to me."

Alam ko na ang binabalak nila, paniguradong hahanapin nila 'yong driver na 'yon at paparusahan.

"Hayaan niyo na. Kasalanan ko din naman 'di ako tumitingin sa dinadaanan." matamlay kong sagot sa kanila.

Lumakad na ulit ako, nawawala talaga ako sa sarili. Grabe 'yong kaba ko, hanggang ngayon ang tindi padin. Muntikan na ko masagasaan. Ano kaya itsura ko kung nasagasaan ako? Duguan? Bali bali buto? Tapos dilat ang mata?

'No... stop stop Agatha!'

"Pag 'di ka tumigil hahanapin ko 'yong driver!" - Ethan.

"Psh! Edi hanapin mo. Ayoko magpahatid sa inyo." bulong ko habang patuloy sa paglalakad.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon