chapter 36

106K 1.8K 125
                                    

CHAPTER 36

THIRD PERSON'S P.O.V.

Taekwondo Club.

" A-aray!" sigaw ni Kurt habang pinipilipit ni Uriah ang kamay niya.

" Tama na boss! Masakit! Tsaka gutom na ako kanina pa tayo dito. " reklamo niya.

" Focus, gumawa ka ng paraan para makatakas at hindi 'yong ngawa ka nang ngawa d'yan."

Inis na sagot ni Uriah at tuloy pa rin sa pagpapahirap kay Kurt. " Paano pag nahuli ka ng kalaban? You'll just shout like a crying baby? Stupid!"

" Have some break mga bro." sabat ni Doms na katatapos lang magpractice,

kinuha niya ang towel at pinunasan ang katawang basa ng pawis.

Binitiwan na ni Uriah si Kurt. Halatang pagod na sila.

Napahiga si Kurt sa sahig at hinahabol ang kaniyang paghinga. Lumapit sa kaniya si Doms at inabutan siya ng mineral water, nag-offer din siya kay Uriah pero hindi 'yon kinuha sa kaniya.

" Oo nga pala, milkshake nga pala gusto mo."

" Let's fight! Show me what you've got." napakakaswal nang pagkakasabi ni Uriah. Tiningnan lang siya ni Doms na walang pagtataka at gulat, tumango lang siya bilang tugon.

Inabot niya ulit kay Kurt ang isa pa niyang hawak na mineral bottle.

" Whoa! Huwag kayo masyado magseryoso mga tsong." paalala ni Kurt na parang may ipinapahiwatig. Nararamdaman niyang parang may 'di magandang mangyayari. Bumangon na siya at pumunta sa upuan.

Nakapwesto na si Uriah at Dominic, parehas naman silang mukhang kalmado pero halatang mainit pa rin ang namamagitan sa kanila.

" You go first." –Uriah.

" Tss, sabi mo eh!" Napangisi na lang si Doms at naunang sumugod pero nasasangga lahat ni Uriah ang mga atake niya.

Sa kanilang mga galaw masasabi na bihasa sila sa kanilang mga ginagawa. Sa pangalawang pagkakataon na pagsipa ni Doms ay natamaan niya si Uriah kaya napaatras ito.

" Tss..." napangisi si Uriah at mukhang lalong ginanahan kaya bumawi kaagad siya sa pagsuntok sabay sipa kay Doms na naging dahilan para mapatumba ito.

Mababanaad na sa mga mukha nila ngayon ang pagseseryoso sa pakikipaglaban.

" Mukhang 'di maganda 'to. " –Kurt.

" Gusto ko na 'tong gawin sa'yo kahapon pa lang bro." tumayo si Doms para bumwelo at sunud-sunod na ang pag-atake kay Uriah.

" Ganoon naman pala sana ginawa mo na? G*go! Bakit? Ayaw mong mag-iba ang tingin niya sa'yo?"

Ngayon si Uriah naman ang sumuntok pero nasasangga din 'yon ni Doms na naging dahilan para lalo mag-init ang ulo niya.

" Ayaw ko lang ng gulo kaya pinigilan ko ang sarili ko."

" Kung ayaw mo ng gulo, ituloy mo ang pinapagawa ko sayo!" gigil na sagot ni Uriah. Inatake niya si Dominic at pumaibabaw dito para sunud sunod na pagsusuntukin.

" Sa akin mo pinagawa ang plano na paibigin siya at iwan sa huli dahil..."

Patigil tigil na pagsasalita ni Doms dahil sa mga suntok na tinatamo niya. Napatigil si Uriah at parang nabigla sa kanyang sinasabi.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon