chapter 44

105K 1.7K 107
                                    

CHAPTER 44

AGATHA'S P.O.V.

Kamusta na kaya sila? Hanggang dito ba naman sa tindahan ng donuts dala ko pa rin ang kaba ko. Grabe lang!

Sa katunayan nga kanina pa ako nandito pero hindi pa rin ako nakakabili. Kailangan kong makabili, kailangan kong makakain nito para mawala ang stress at kaba ko. Nakakainis naman kasi 'tong si Nicolo, bigla na lang umalis wala tuloy ako kasama.

'Ang tagal naman!'

Ano bang meron at ang dami yatang customer? Natatakam na ako.

Habang nakatayo at naghihintay, aksidente naman akong napatingin sa labas. Nakaramdam ako lalo ng kaba nang may nakita akong naka-jacket at nakasuot ng hood na parang nagtatago sa poste. Saglit ko lang siya nakita dahil bigla siyang umalis.

Ang weird naman n'yon, pakiramdam ko kasi nakatingin siya sa akin kanina. O baka naman akala ko lang 'yon. Nagmamaganda na naman ako.

Bumili na ako ng marami para na rin kay Ethan. Nagmadali na akong lumakad pabalik ng penthouse. Kawawa naman ang kapatid ko walang kasama at tsaka gusto ko na makibalita.

Walking distance lang naman 'tong tindahan sa penthouse kaya naglakad na lang ako.

Habang naglalakad ako, nakaramdam na naman ako ng kakaiba, na parang may nakatingin na naman sa akin. Napatigil ako saglit at pasimpleng iginala ang mga tingin ko.

Sa isang kanto nakita ko na naman 'yong naka-hood. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko s'ya at parang may kausap sa telepono habang may hawak na yosi.

Binilisan ko na lang ang paglakad pabalik sa penthouse.

Kinakabahan ako! Sana mali ang akala ko na sinusundan niya ako. Hindi naman siguro 'di ba? May nangkikidnap ba at nanghoholdap ng ganitong oras? Erase, kung anu-ano na naman naiisip ko.

Pakiramdam ko nga ay hindi na lakad 'tong ginagawa ko. Unti-unti na kasi akong napapatakbo. For the last time ay nilingon ko siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong malayo na naman siya sa akin.

Pumasok na ako kaagad ng condo, aakyat na sana ako pero napansin ko si Ethan na biglang tumakbo pagkalabas ng elevator at parang may tinatawagan sa cellphone.

" Ano nangyari doon?"

Hindi niya ako napansin dito. Mukha siyang kabado at parang may hinahanap habang may tinatawagan yata. E,'di ba nagmo-monitor siya? Bago pa siya tuluyang makalabas ng condo ay tinawag ko na siya.

" Hoy Ethan!"

Naku! Medyo napalakas pa yata ang tawag ko sa kaniya, kaya napatingin sa akin pati ang ibang mga tao dito sa lobby. Nakakahiya.

Agad namang napalingon sa akin si Ethan na parang iritable ang mukha, napatingin pa nga siya sa akin ng ilang segundo na parang naninigurado kung ako nga 'to.

Pagkatapos ay ibinaba na niya ang cellphone.

" She's with me, don't worry. All clear, nandito siya sa lobby. Mukhang wala namang nangyari sa kaniya. Huwag n'yo na siyang hanapin. Umuwi na kayo. Okay, hindi ko ipapaalam ang mga nangyari mahirap na baka bigla siyang sumpungin."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon