chapter 8

134K 2.2K 119
                                    

CHAPTER 8

MARS' P.O.V.

Aba may POV ako? Iba na talaga pag gwapo. Ang sakit na ng panga ko, kanina pa ako natatawa sa dalawang 'to,

"Wala na kayong magandang naidulot sakin." sigaw ni Agatha, she is always shouting, but I find it cool.

Maganda naman talaga 'tong si Agatha, sadista nga lang . Tapos hindi pa marunong mag ayos ng tama. Unting ayos lang chix na 'to.

" Ewan ko sayo , just go with the flow! Mag ayos ka na nga doon ng magmukha ka namang tao."

Ganyan talaga si Uriah, may pagkamasungit especially to girls. Hindi na lang siya tumulad sakin, mapagmahal sa mga babae.

" Gusto mo tulungan kita magbihis? Magaling din ako dyan." I offered. Let me see kung ano magiging reaksyon n'ya .

" Aba! Ikaw talaga, kadiri ka Mars... 'wag mo nga ko itulad sa mga babae mo!"

Sabi n'ya sabay kurot sakin. Natawa nalang ako bigla. Namumula siya. 'Di talaga mabiro 'tong si Agatha.

Agad siyang tumayo at pumunta na sa CR para mag bihis .

" Uriah, anong balak mo?" tanong ni Ethan. 'Wag na kayo magtaka. Bilang lang talaga mga salita ng taong 'yan .

" Bahala na, kailangan maniwala si Mommy na totoong gf ko 'yong baliw na 'yon. So they will stop annoying me about fixed marriage. Istorbo lang 'yan sa misyon natin."

Napatingin ako saglit sa cellphone ko, ang dami na namang text. Iniscan ko 'yong mga pangalan ng nagtext, puro mga kafling ko lang 'to. Gaya ng gawain lagi. Delete all.

" Mukhang mahihirapan ka kay Agatha, matigas ang ulo e. Bakit hindi ka nalang kasi mag gf ng totoo, para 'di ka mahirapan." I suggested.

" Mas papahirapan ko lang ang sarili ko kung mag gigirlfriend pa ako."

Napatigil ako saglit at tumingin kay Uriah. Walang pagbabago.

Kahit 'di n'ya sabihin 'yong totoong rason, alam namin na 'di pa siya nakaka move on kay Sheria. Sheria is my beautiful cousin. Alam ko masaya na siya kung nasaan siya ngayon.

" Wala pa ba kayong balita sa pinapahanap ko?"

" Tumawag pala sakin si Nic, may minamanmanan daw sila ngayon. Inform na lang daw kung 'yon nga ang hinahanap natin."

We just started our mission. Our next thing to do is to make an action.

But not for now ...dahil mukhang matagal pa si Agatha mag ayos binigyan ko na muna ng advice si Uriah sa kung ano ang dapat nila gawin ni Agatha mamaya.

" G*go, alam ko na gagawin ko. Mga payo mo napakawalang kwenta."

" Haha! Biro lang Uriah, ito naman. Alam ko naman 'di mo kaya gawin 'yon."

Sabi na nga ba mapipikon siya sa sinabi ko. Kahit ganyan 'yang si Uriah he really loves his mother. Hindi nga lang siya showy. Mabait naman talaga ang Mommy n'ya. Pinipilit lang siya ipakasal sa kung sinong babae. You know in our world, money is a big deal.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon