chapter 88

95.8K 1.6K 279
                                    

CHAPTER 88

AGATHA'S P.O.V.

Dalawang araw na lang!

Dalawang araw na lang birthday ko na. Para na ata akong aatakehin sa sobrang kaba. Pwede bang pahintuin ko muna ang oras?

Kagigising ko lang pero 'yon agad ang nasa isip ko. Ilang araw na din akong 'di makatulog ng maayos. Napatingin ako kay Mom. Ang himbing ng tulog n'ya.

Napagod siguro siya dahil kagabi late na kami nakauwi para mamasyal at mamili ng mga gagamitin sa birthday ko. Ilang araw na siyang absent, nag leave muna siya sa trabaho para ayusin ang party ko at para makasama ako oras oras.

Niyakap ko siya at muling pumikit, kung ako nga sobrang nahihirapan na paano pa kaya ang Mom ko. Iniisip ko pa lang na umiiyak ang Mom ko 'di ko na kaya, paano pag nakita ko pa kaya ng harapan.

Di ko mapigilan mag isip ng kung anu ano. Ayoko man isipin pero walang kasiguraduhan sa mga pwedeng mangyari. Alam ko sa sarili ko na sinusulit ko ang araw na kasama ko sila, andoon pa din kasi ang takot na baka hindi mangyari ang mga balak ko.

Ganun din ang G-Members, kahit 'di nila sabihin sa'kin alam kong sinusulit din nila ang mga panahon na pwede pa nila akong makasama kaya naman madalas kaming magbonding lalo na nung nagsimula ang bakasyon.

Minsan nga napapasama na ko sa kalokohan nila, gaya nung nakaraan. Naglalakad kami sa subdivision tapos bigla silang magdo-dorbell sa mga bahay sabay karipas ng takbo.

Halos patayin nila ko dahil kinakapos na ko ng hininga hindi dahil sa pagtakbo kundi dahil sa walang tigil na pagtawa.

Naalala ko pa nung bigla akong pinasan ni Uriah sa likod n'ya dahil pinahabol kami sa aso.

Mamimiss ko lahat sila. Lalo na si Uriah, 'di ko alam kung paano magpapaalam sa kanila. Gusto ko sana silang makasama ng isang buong araw pa bago sumapit ang kaarawan ko.

"Mom, basta pag nurse na ko stop ka na sa pagtatrabaho ah. Sa bahay ka na lang dapat lagi tapos aalagan mo si Chuchi. Tapos dapat pag uuwi ako laging masarap ang ulam." Kwento ko kay Mom habang kumakain, nasa labas kaming tatlo nila Chin at dito na naglunch.

Nginitian ako ng matamis ni Mom. "S-syempre naman anak."

"Ako naman pag graduate na ako ang magiging supplier mo for lifetime ng BB CREAM. Hahaha!" –Chin.

Natawa naman ako sa sinabi ni Chin, mag aaral na nga din pala siya ng college. Sasabay siya samin dahil may naipon na siya pang tuition at tutulungan din siya ng Mom ko sa gastusin. Ang kukunin niyang course ay Education.

Galing kami kanina sa venue kung saan gaganapin ang party ko. Okay naman siya. It's a multi purpose Hall.

"Anak pasensya ka na ah, we can't afford the Garden Venue."

"It's okay Mom. Kahit saan pa 'yan ayos lang sakin." Nginitian ko siya to ease her worry.

Nakauwi na kami ng bahay. Maya maya, dumating ang mga pasaway.

"Good afternoon Tita." Bati nila sa Mom ko.

Kabubukas ko lang ng gate diretso agad sila ng bahay 'di man lang ako hinintay na maunang makapasok. Ganyan sila ka feel at home.

"Pinabibigay po ni mommy." Sabay abot ni Uriah ng paper bag kay Mom. Ano 'yon?

"Talaga? Thank you."Ngiting ngiting sabi ni Mom sabay tingin sa kung ano ang laman n'yon. "Wow! It's so nice. Tell to your, Mom thank you very much."

Ah, kaya naman pala. Pigurin ng isang anghel. Mahilig ang Mom ko sa mga ganyang pang display sa bahay. Kaya naman puno ng display 'tong aming tahanan.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon