chapter 42

105K 1.6K 89
                                    

CHAPTER 42

" Are you now in your position?" tanong ni Uriah habang kalmadong nakaupo sa sasakyan niya at inoobserbahan ang paligid.

" We're here."

"Nandito na kami."

Sagot ni Mars at Chin na nakapark sa magkaibang lugar.

" Nandito na kami ni Young Master sa loob." sagot ni Demi at agad na lumabas ng ladies room. Lumakad siya at sa tindig niya ay mapapalingon ang mga tao sa kanya. Mukha siyang modelo sa suot niyang hanging blouse, fitted skirt at high heels.

Habang si Jonas ay nakaupo lang sa may waiting area ng arrival na nakasuot ng salamin at sombrero. Ngunit may iilan pading tao ang napapatingin sa kanya. Ang kanyang kaputian at katangkaran ay masyadong umaagaw nang pansin ng kababaihan.

Nakapasok sila ng airport ng walang abirya dahil iniwan nila ang mga baril sa labas sa lugar kung saan walang ibang makakakita.

" Oh God, Demi kindly please fix your blouse. Tsk."

Mahinang sabi ni Jonas na napahawak na lang sa noo ng 'di kalayuan ay makita na niyang naglalakad si Demi papunta sa arrival area. Nairita siya lalo sa mga matang nakatitig kay Demi.

Napatigil saglit si Demi at napatingin sa kaniyang suot. Nagulat na lang siya nang makita niyang nakikita na pala ang kaniyang cleavage kaya pasimple niyang iniayos ang suot niya.

"Oh sorry! Nakakainis kasi, every lakad ko bumababa din ang blouse ko. Hayaan ko na, saglit lang naman 'to."

Tuloy lang sa paglakad si Demi habang pasimple na nagsasalita at nag oobserve sa paligid. Medyo nai-ilang siya dahil napapatingin talaga sa kaniya ang mga nadadaanan niya.

" WHAT? Hahayaan mo lang na ... bahala ka!"

" Chill pre, hahaha! Mamaya na kayo mag LQ. Naririnig tuloy namin usapan n'yo. Hahahah!"

Singit ni Mars at tawang-tawa na nagpakunot ng noo ni Jonas.

" F*ck you Mars." sabat ni Jonas habang pasimpleng inaayos ulit ang spy gear sa tenga niya.

" Hahaha! Mga siraulo." Natawa si Dominic sa mga naririnig niya kaya 'di niya napigilan ang mang-asar din. Napangisi na lang din si Chin na kasalukuyang kasama niya sa loob ng kotse.

" Hoy huwag ka ngang tatawa-tawa jan Dominico! Takte 'tong spy ear gear na 'to. Ano ba umayos ka nga!" Asar na sabi ni Jonas.

" Hahahhaha Dominico! Naku! galit na si Jonaso. Hahahahaha! Kinakausap na naman niya 'yong gamit." –Mars.

" P*ta Jonaso! Ang bantot . Hahaha!" –Chin.

" Oi, si Dude ba 'yon? Dude 'di ka na galit? Hmmm . Mamaya kayo sa akin mga kupal, lalo ka na Marso." –Jonas.

Natahimik bigla si Chin at naalala niya bigla na galit nga pala siya sa G-members dahil sa mga nalaman niya. Pero sa loob-loob niya ay 'di niya din matiis ang mga kaibigan niya. Ngunit kahit papaano ay napanatag siya at medyo bumuti na nung magkausap sila kanina ni Mars bago bumalik kanina sa penthouse.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon