chapter 26

139K 1.9K 183
                                    

CHAPTER 26

"That mr. 'Y' really loves you."

"That mr. 'Y' really loves you."

Nagpaulit-ulit 'yon sa utak ko.

Mr. Y loves me? Mr. Y? Sino siya? 'di kaya pinagtitripan lang ako ni Uriah?

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, hindi ko alam kung ano dapat ireact.

Para na naman akong siraulo, natulala talaga ako sa sinabi ni Uriah.Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakabalik dito sa upuan ko.

Natapos na ang klase at oras na para umuwi. Pababa na kami nila Nicolo at Faye, parang medyo awkward ang ambiance sa aming tatlo. Lalo na para kay Faye, ang tahimik niya kasi . Sana naman hindi siya nag-isip ng kung ano sa ginawa ni Uriah kanina .

Sabi na nga ba e! Inasahan ko na na ganito ang mangyayari,

" Grabe , nakita mo ba 'yon ginawa ni Uriah sa babaeng 'yan? Ano kaya ang binulong sa kaniya?"

" Akala ko nga hinalikan siya eh... Hindi ko alam na mahilig na pala sa cheap ang G-members."

" Siguro nilalandi niyang babaeng 'yan 'yong Glefficial, asa naman siyang magugustuhan siya."

Sa totoo lang ang lakas nila magbulungan, nakakasawa din pala. Parang common na lang sa akin na masabihan ng ganyan kaya hindi ko na lang masyado pinapansin ang sinasabi nila. Pero sa totoo lang medyo masakit ang ibinibintang nila. Gupitin ko mga bibig nitong mga 'to.

Parang 'di ko kaya na uuwi kami ng 'di nag-uusap ni Faye.

" Hay! Nakakapagod ang araw na 'to, tambay tayo sa coffee shop girls . Treat ko."

Sabi ni Nicolo sabay akbay sa amin dalawa ni Faye. Salamat kay Nicolo siguro naramdaman niya na may kakaiba sa amin ngayon.

Nandito na kami , naalala ko 'tong coffee shop na 'to. Dito ako dinala ni Faye ng pinaghahanap ako ng Glefficial tsaka dito rin nabuo 'yong friendship namin.

Nag order na si Nicolo kaya dalawa na lang kami ni Faye ang naiwan sa table... 'di ko na kaya 'to!

" Faye, galit ka ba sa akin?"

Tiningnan ko siya sa mga mata, medyo parang naiilang siya.

" Huh? Hindi ah. Bakit naman Bes?" sabay ngiti niya ng matabang.

" E,kasi ... nanahimik ka na lang bigla. Hindi ako sanay e! Dahil ba sa nangyari kanina?"

" Hehehe! Ano ka ba Bes?, Hindi naman sa ganoon . Sumama lang pakiramdam ko..."

" Bes ,di naman ako magagalit eh. Basta sabihin mo lang nararamdaman mo. Galit ka ba? Kasi hindi ako matatahimik."

Medyo makulit na yata ang dating ko pero kasi hindi ko kaya na may misunderstanding kami ni Faye.

Mukhang nahihiya siya at nag-aalinlangan magsalita. Hinawakan ko 'yong kamay niya tapos nginitian ko lang siya.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon