chapter 39

107K 2K 170
                                    

CHAPTER 39

ETHAN'S P.O.V.

" Bro, okay na? Puntahan ko lang si Agatha."

Tumango lang ako at tuloy sa pag-aayos ng mga gagamitin mamaya. Mabuti naman at kompleto ang dalang mga gadgets at components 'tong si Nicolo. Mas mapapadali ang trabaho namin ni ate. Ayaw ko naman siyang pahirapan, kanina pa siya pagod sa pag-aasikaso sa amin.

Parang gusto ko pa matulog pero kailangang magtrabaho ngayon. Gusto ko na matapos 'tong mission.

P*tcha, hindi ko kasi akalain na mahihirapan ako dito. Ayaw kong mapalapit sa kung sinuman,e. Ang sakit sa ulo! Simula nang mapalapit ako kay Agatha walang araw na hindi ako nakokonsensya sa mga pinagagawa namin. Hindi tulad noon na wala akong pakealam.

" Hahaha! Demi maya-maya aayusan na kita ah. Huwag kang mag-inarte jombagin kita!"

Ang ingay ng mga kasama ko. Busy ang lahat, walang pakealaman.

Ako naman may sariling mundo talaga lagi. Nakakatamad magsalita kaya mas gusto kong mag-isa at manahimik lang.

Madami akong iniisip lagi, tulad ngayon... iniisip ko kung bakit blackboard ang tawag sa pisara, hindi naman black ang kulay n'yon.

Binuksan ko na ang mga laptops para maayos ko na ang system.

Tutal nagloloading pa naman ay naupo ako saglit at itinuloy ang pagkain ko. Baka biglang lumabas si ate subuan at saktan na naman ako. P*tcha gawin ba akong bata.

Manhid ang babaeng 'yon, hindi n'ya maramdaman na sobrang sakit niya humampas at mangurot. Minsan nga napapasigaw na ako sa ginagawa niya kahit 'di ako palasigaw.

Pero hindi ko pinagsisisihan na ituring siya na parang totoong kapatid. Ganito pala ang pakiramdam nang may ate. Ang saya ... Shit! Ang panget, ang drama ko! Fck.

" Halos may dalawang oras pa bago tayo umalis, be ready."

Napatingin ako saglit kay Uriah sabay tumayo siya at pumuntang kusina. Matibay talaga siya, mukhang wala talagang s'yang balak itigil ang plano at mission.

Binaling ko ulit ang tingin ko sa harap ng laptops. Isa-isa ko na din binuksan 'yong iba.

" Hoy Ethan! Seryoso ka d'yan, kailangan mo ng tulong?" –Jonas.

" Hindi, okay na."

Tsaka niya tinapik-tapik ang balikat ko. Labas muna daw siya para mag-yosi. Mukhang tense ang g*go.

Kailangang mas maingat kami, pag nalaman ni Zeus 'tong pinaggaga-gawa namin, mayayari kami. 'Di namin ipinapaalam na pinupuntirya namin ang black apocalypse. Ang usapan kasi, sila Zeus na ang bahala, pero matigas talaga ang mga ulo namin kaya kami na ang gagawa ng paraan. Naiinip nadin kami.

'Di ko rin masisisi si Uriah, dahil kung sa akin mangyari 'yon baka makapatay rin ako. Sa tagal namin magkakilala first time ko nakitang umiyak si Uriah ng dahil kay Sheria. Elementary pa lang ay magkaklase na kami.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon