chapter 70

87.5K 1.7K 94
                                    

CHAPTER 70

Matapos ang araw na pagpapahinga ay pumasok na si Agatha sa school.

Masaya naman na binati siya ni Faye at Nicolo dahil nakumpleto na ulit silang tatlo.

" Oy bakla, sorry talaga ah. Masyado kang napagod nung sumayaw tayo nila Faye." -Nicolo.

" Oo nga bes, sorry." -Faye.

" Okay lang 'yon ano ba kayo." –Agatha.

Naging normal lang ang araw na 'to para sa kanila. Pumasok din ang G-members bukod kay Mars at Uriah.

Nung gabi ay nasabi na ni Chin kay Agatha na nasa hospital si Mars. Hinihintay lang ni Agatha na sasabihin ni Chin ang totoong dahilan kung bakit na-ospital ang kaibigan pero gaya ng inaasahan n'ya ay hindi nito sinabi ang totoo. Ang sinabi lang ng pinsan n'ya ay napag-tripan sa daan si Mars.

At hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng G-members kung nasaan at kung ano na ba ang tunay na kalagayan ni Uriah.

" Agatha kumusta ka na?"

Nagulat si Agatha nang bigla siyang kausapin ni Jonas. Pero hindi n'ya lang pinahalata.

Mga ilang segundo din bago siya sumagot.

" Ayos lang." matipid niyang sabi habang nagsusulat.

Sige lang ang daldal ni Jonas habang si Agatha ay patuloy lang sa pagsusulat.

Hindi siya sumasagot at habang tumatagal ay padiin nang padiin ang sulat n'ya.

Tila biglang nakaramdam si Jonas kaya tumigil na siya. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya.

" Ah sige magsusulat na din muna ako."

Inisip na lang ni Jonas na matamlay pa rin ito dahil sa sakit n'ya kaya hinayaan n'ya muna ito.

Break time...

" Pwedeng makiupo?"

Napatingin si Nicolo at Faye sa nagsalita. Agad naman silang sumagot sa tanong ni Dominic.

Habang si Agatha naman ay patuloy lang sa pagkain. Ni hindi man lang n'ya nilingon si Dominic para ngitian gaya ng madalas niyang ginagawa noon.

Hinihintay ni Dominic na tingnan siya ni Agatha pero ni kahit isang beses ay 'di siya nito tiningnan.

" Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango lang ng isang beses si Agatha.

" Galing pala kami sa inyo kahapon kaso wala ka ata doon. Saan ka galing?"

" May pinuntahan lang."

" Ahh... dapat hindi ka muna naglalalabas kahapon kasi nagpapahinga ka. Mamaya may mangyari na naman sa'yo."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon