chapter 69

91.8K 1.6K 123
                                    

CHAPTER 69

CHIN'S P.O.V.

" Kasi kung gagawin n'ya 'yon, bakit pa kailangan niyang iligtas ang anak ko."

" Ano pong ibig n'yong sabihin?"

" Ayaw niyang sabihin ko sa iba pero ... si Uriah ang nagdala kay Agatha dito sa hospital."

Napatingin lang ako kay tita habang tumutulo ang luha ko, hindi ko agad nagawang magsalita sa mga sinabi n'ya. Hindi ako naniniwala...

" Hindi tita." sabi ko habang ini-iling ang ulo ko. "Malabong gawin 'yon ni Uriah, wala siyang pakealam kay Agatha... maniwala ka... sasaktan n'ya din si Agatha gaya ng ginawa n'ya kay Mars."

Inis na inis ako kay Uriah, hindi ako naniniwalang siya ang nagdala sa pinsan ko dito sa hospital. Hinawakan ni tita ang kamay ko at pinapatahan ako.

" Shhh! Chin tahan na." Sabay hinawakan n'ya ako sa pisngi at pinunasan ang mga luha ko.

" Baka magising na si Agatha at makita tayong ganito."

Nakita ko din sa mukha ni tita na sobra siyang nasasaktan sa mga nalaman n'ya.

" Sorry tita..."

Tumango lang siya habang pinipigilan ang pagtulo ng luha n'ya. Sobrang nahihiya ako sa kanya lalo na sa pinsan ko.

Lalo na akong naguguluhan kung paano ie-explain kay Agatha ang lahat ng nangyari lalo na 'pag nagtanong siya tungkol kay Mars. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya lalo na ngayong na-ospital pa siya.

Binigyan ako ng tubig ni tita para lalo akong mahimasmasan.

" Tsaka na lang natin ulit pag-usapan ang tungkol dito... at kung pwede, 'wag muna natin ipaalam kay Agatha hangga't 'di pa siya okay." sabi ni tita nang hindi ako tinitingnan. Tila tulala siya at nag-iisip nang malalim. Tumayo siya at pupulutin sana ang basag na baso na nabitawan n'ya kanina sa sobrang gulat nung nag-uusap kami kanina.

" Tita ako na po." Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod para damputin ang kalat. Pumayag naman siya at siya naman ang tumayo. Parehas na kaming nahimasmasan. Nanahimik at hindi muna kami nag-usap dahil baka may ibang taong pumasok.

Lumakad siya palapit sa kama ni Agatha, paniguradong nag-aalala pa rin siya sa pinsan ko dahil isa 'to sa kinakabahala n'ya, ang sumpungin si Agatha ng sakit.

Tumayo na muna ko para kumuha sana ng supot. Pagkatayo ko ay napatingin naman ako sa kanila. Nakita kong parang kinabahan bigla si tita habang pinagmamasdan si Agatha na nakahiga.

Nagtaka ko bigla nang pinisil-pisil n'ya ang kamay at braso ni pinsan.

" Agatha..."

" Bakit tita gising na siya?"

Kinabahan ako bigla sa kinikilos ni tita pero bakit ganoon? Kung gising na nga si Agatha dapat masaya siya 'di ba? Para maintindihan ko ay lumapit ako sa kanila.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon