chapter 14

133K 2.2K 205
                                    

CHAPTER 14

11:46 pm na pero hindi ako makatulog, naiisip ko pa rin 'yong nangyari kanina. Paano nalang kung natuloy ni Marco 'yong balak n'ya sakin? Baka 'di ko kayanin. Siguro mababaliw ako pag ganoon.

Nilinis ko muna 'yong bahay tsaka 'yong mga dugo na nagkalat kanina, baka makita ni Mom pag dating n'ya mamayang umaga. Nag half bath na ako tapos pumunta sa kwarto ko.

Naramdaman ko na nagvavibrate sa bulsa ko 'yong cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Ano kaya ang kailangan n'ya tsaka bakit gising pa siya?

" Hello."

" hmmm... Nagising ba kita? O hindi ka makatulog?"

" Hindi ako makatulog e. Hehe!" Sagot ko sabay higa sa kama ko.

" Ahh... Dahil siguro sa kanina tama ba? Sorry pala ..."

Napagiti ako, iba talaga ang pakiramdam ko pag naririnig ko ang boses niya. Gumagaan ang pakiramdam ko.

" Ano ka ba, 'wag kang magsorry. Wala ka naman kasalanan. Ako nga dapat ang magsorry, ang tigas kasi ng ulo ko hindi ako sumunod sa sinabi niyo."

I admit, tama nga 'yon sabi ni Uriah sakin kanina. Matigas ang ulo ko pero ang hirap kasi pag nasa ganoon ng sitwasyon.

" Naiintindihan kita, basta sa susunod kailangan natin lalo mag ingat. Teka uminom ka na ng gamot?"

Buti pa siya naiintindihan ako, nakakagaan ng loob. Sa ngayon siya lang talaga 'yong pwede kung makausap sa ganitong mga bagay. At masaya na ako doon.

" Yup, kanina pa. Magpahinga kana. Alam kong napagod ka kanina."

"Ikaw ang magpahinga, sayang... Masaya na tayo kanina sa mall kaso nasira ko ang araw mo dahil sinama kita sa G-zone."

" Trabaho ko naman na sumunod sa utos ng Glefficial kaya 'di mo kasalanan 'yon, salamat pala sa libre kanina ah."

" No prob, 'wag ka na mag-isip ng kung anu-ano. Sige na... Goodnight."

" Sige... Goodnight Dominic, sweetdreams."

" Agatha, teka ...may sasabihin ako."

Biglang nagwala ang puso ko, pati ata ang mga bulate ko sa tyan. Nakakakaba ang tono nang pananalita niya.

" Hmmm?" sabay gulong ko sa kama. Napalunok ako bigla.

" 'Wag nalang pala,hehe Sige goodnight! Ikaw na mag end ng call. "

" Okay, goodnight."

I ended our conversation, binitiwan ko ang cellphone ko at tumingin sa kisame. Ano kaya 'yong sasabihin n'ya dapat? Ang hirap talaga basahin ng isip ng mga lalaki.

***

Dalawang araw na ang nakakalipas nang mangyari ang kapalpakan ko. Yeah! Galing ko e 'no.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon