chapter 19

133K 2K 61
                                    

CHAPTER 19

Sobra-sobrang panlalaki na ng mga mata ko dahil sa sinabi niya. Malalaglag na ata 'yon... pati ang puso ko.

Gustong ko daw siyang yakapin? Sinabi n'ya ba talaga 'yon? Kinikilabutan ako sa mga nagagawa ko. Feeling ko hindi ko siya magawang lingunin. Nilalamon ako ng kaba at kahihiyan.

" A-ang kapal mo naman ... Feeling mo ah!

Di ko sinasadya 'yon 'no! E kung 'di mo naman kasi ginawa 'yon edi 'di kita ma aano, ma aano ahm..."

Nakatikod pa rin ako sa kanya. 'Di ko masabi 'yong word na 'mayayakap' . Nakakahiya talaga. Feeling naman n'ya! Kailangan ko na makaalis sa kahihiyang ito. 'Di ko na kakayanin pa. Mamaya mahimatay nalang ako bigla.

" Oh tapos na 'yong inuutos mo. Aalis na ko ... Sige may date pa ako."

Di ko na hinantay 'yong approval n'ya at mabilis akong lumakad palabas. I swear, para na naman akong lumulutang.

Sumakay na ako ng jeep pauwi samin. Bakit ba ako nagiging balisa? Ang engot ko kasi e .

Andito na ako ngayon sa park. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito, madalas ako dito noon ng bakasyon pa. Nakakarelax kasi dito ang paligid at ang hangin.

'Dito ko nga pala siya unang nakita.'

Naalala ko tuloy 'yong una naming pagkikita ni Uriah. Nakakainis , feeling siguro ng unggoy na 'yon nag-tatake advantage ako sa kanya.

Di rin nagtagal ay umuwi nadin ako dahil ayoko na ulit masyadong magpagabi sa park, mamaya e maka- encounter ulit ako ng stranger at baka mas malala pa kay Uriah.

Calling:

Dominic ...

Agad kong dinampot ang cellphone ko ng magvibrate 'yon. Oo nga pala , nakalimutan ko magtext sa kanya.

Hindi na kami natuloy sa date namin kaya matagal- tagal nalang kami nag-usap sa phone. Kung ano ano napag uusapan namin, our likes and favorites. Getting to know each other I mean.

" See you tomorrow , have a goodnight Agatha... ikaw na mag end ng call okay."

" Thanks Dominic, goodnight."

Gaya ng sabi niya ay binaba ko na ang tawag. Kahit na tapos na kami mag-usap e nakangiti padin ako. Parang sira lang.

Hinila ko si Chuchi at niyakap siya.

Ang gaan talaga ng pakiramdam ko kapag nakakausap si Doms, lalo na kapag na andyan siya. Nakakalimutan ko 'yong dull Mom ents ko with Uriah and even my memories with Jacob.

Kaso ano ba 'to? Tama ba 'tong nararamdaman ko? Baka masaktan na naman ako.

" What if tuluyan na talaga ako mahulog sa kanya? Sasaluhin niya kaya ako?"

Kinabukasana sa conference room.

" Sa isang araw na ang event, so be ready with our materials, facilities and equipments."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon