chapter 29

123K 1.9K 303
                                    

CHAPTER 29

" Bes, Bakit nandito ka? I mean ... 'di ko inaasahan na nandito ka din." tanong niya at tinabihan ako. Ano bang sasabihin ko? Tumingin ako kay Nicolo. Mukhang natataranta din siya kaya dalidali siyang lumapit sa amin.

" Tsaka si Nicolo...nandito din pala." dagdag ni Faye.

" I invited them." salo sa akin ni Ethan sabay umalis papunta sa mga kaibigan niya. Bakit medyo parang masungit ang tono niya? Natural niya nga lang pala 'yon. Tumingin ako kay Faye at ngumiti. Tapos tumingin si Faye kay Nicolo.

"Bekla, sabi ko naman sa'yo... unti-unti na nahuhulog sakin si Papa E... see, inimbita ako." pagbibiro ni Nicolo para mawala ang tensyon,

"Oh ngiti dali! 1..2..3..." utos niya sa amin ni Faye at kinuhaan kami ng litrato gamit ang SLR niya. Pinakita niya sa amin at ang ganda ng pagkakakuha niya. Photojournalist kasi yang si Nicolo kaya magaling siya sa ganyan. Muntikan na kami doon ah!

"Masaya ako na nandito kayo Bes!" aniya ni Faye at humawak sa kamay ko. Tumingin siya sa paligid at huminga nang malalim. "Hay! namiss ko dito. Akala ko sobrang malalate kami pagpunta dito. Late na kasi nang sunduin ako ni Uriah."

Sabi niya habang nakangiti. Mukhang ang saya-saya niya. Nagtinginan lang kami ni Nicolo at halatang may konsensya sa aming mga mata.

Sinundo pala talaga siya ni Uriah. Hindi naman sa ayaw ko na nandito sila. Masaya naman ako pero nahihirapan ako sa kalagayan ko. Bakit parang nahihirapan na ako sa pagpapanggap na 'to? Dati naman okay lang sa akin ang mga ginagawa kong pagkukunwari.

Napatingin ako sa direksyon ni Uriah at Ethan. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.

" Ang hot ni papa U sa gupit niya 'no! Nagpagupit siya pagkatapos namin maglinis sa campus." bulong sa akin ni Nicolo. Inatake na naman siya ng kaharutan.

Ngayon ko lang napansin na nagpagupit pala siya. Bakit kaya? Nung makita ko kasi siya kanina nabaling kaagad ang atensyon ko kay Bes. In fairness mas gwapo siya ngayon sa gupit niya. Ay ano ba naman 'tong mga iniisip ko.

Wala yata talaga siyang balak na magkaayos kami.

Natigil ang usapan namin nang lapitan kami ni Demi at niyayang kumain. Lahat kaming mga babae ay sabay-sabay kumain. Ang awkward . Isipin mo na lang na magkakasama kami nila Alexis at Faye.

" Inuman tayo after ah. Umiinom ba kayo?" tanong ni Chin. Ang lumalabas ay parang siya 'yong pinuno namin. Pinuno ng kalokohan.

Tumango lang si Demi. Hindi naman na bago sa kanila ni Chin ang mag inuman.

" Yes."- Alexis.

" Shot lang..." nag-aalinlangan na sagot ni Bes.

" Sige tapos swimming tayo." –Chin.

Really? Umiinom pala sila sabagay nasa legal age na sila pero malapit-lapit na rin ako mag debut. Ako naman dati, umiinom pag may okasyon tsaka shunga pa 'ko dati masyadong emo dahil kay ex, kaya 'yon napapainom dati pero kaunti lang kasi madali ako malasing pero simula nang maoperahan ako tumigil na ako. At panigurado 'di ako papayagan ni Chin. Medyo out of place ako. By the way mas matanda pa rin ako kay Ethan, he's turning 17 pa lang ngayon.

Siya ang pinakabata kumpara sa aming lahat, pero kung mag-isip akala mo sobrang tanda na.

Hindi ko alam kung anong meron si Chin at nakakausap niya ng matino si Alexis. Pero kaming dalawa hindi talaga magkasundo. My relief, kasi nakikihalubilo siya sa amin kahit papaano. Hindi niya nga lang kami kinikibo ni Faye.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami at pinakain ko na si Chuchi.

" Girls dito kayo!" -Mars.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon