EPILOGUE

126K 2.4K 1.4K
                                    

  ( I DEDICATE THIS EPILOGUE TO ALL OF YOU ! THANK YOU FOR  LOVING AND READING THIS STORY. Kaya kung sinasabi niyo na maganda ang kwentong 'to dahil iyon sa inyo. Salamat sa pagbibigay sakin ng inspiration. LOVELOTS! -Arkisteph)

EPILOGUE

Napakaganda... hindi ko akalain na makakatapak ako sa ganitong lugar. Andito kami sa Garden Venue kung saan pinangarap kong lugar para pagdausan ng debut ko. Para akong nasa paraiso.

"Let us all welcome Ms. Agatha Krystyn Posadas."

Rinig na rinig ko ang palakpakan nila.

Kitang kita ko ang mga taong nakatingin dito at inaabangan ang pag dating ko. Hindi ko inasahan na ganito kadami ang tao at ganito kaganda ang venue.

Kung hindi pa ko binulungan ni Tammy at ilahad ng isang B.A. ang kamay n'ya ay nanatili pa din akong tulala. Napatingin ako sa lalaki at nakita kong nakangiti siya habang hinahantay ang kamay ko. Isa siya sa mga nagbabantay ng kwarto ko pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan niya.

Nanlalamig ang mga kamay ko, hinawakan ko ang kamay n'ya at nagsimula na kaming maglakad habang nakatutok ang spotlight samin, hinahayaan ko lang na sundin ng mga paa ko ang bawat lakad niya. Hindi ko kilala ang mga taong 'to pero ramdam ko ang pagtanggap nila sakin.

Pero bakit 'di ko pa din makuhang sumaya o kahit ngumiti man lang.

Kahit gaano pa kadami ang tao ngayon iba pa din ang hinahanap hanap ko. Iba pa din ang pakiramdam pag kakilala mo ang mga nasa paligid mo.

Nabaling ang atensyon ko nung bigla akong may nakita na babae sa may unahan at tila inaabangan ako. Nung una ay 'di ko siya makilala dahil may suot din siyang maskara pero habang tinitingnan ko siya ng mabuti ay nawari ko na kung sino ba siya. Agad bumilis ang paglakad ko at nakita kong napapunas siya ng mata, tila naluluha habang pinagmamasdan ako.

Napahawak na 'ko sa suot ko at napatakbo na ako.

"Mommy..." halos maluha na ako nung maramdaman ko ang yakap niya.

"Shhh... anak wag kang iiyak. Masisira ang make up..." bigla siyang napasinghot at tila nagpipigil din ng luha. "Sayang din ang make up ko."

Umatras ang luha ko at agad akong napangiti. Pigil na pigil ko ang luha ko, atleast alam kong nandito ang Mom ko at nabawasan ang pangungulila ko.

"Happy Birthday anak, enjoy your party."

Napatingin ako sa kanya na may puno ng pagtataka. Birthday? Tapos na 'yong debut ko nung April 12. At isa ang araw na 'yon na hiniling kong sana hindi na dumating pa, yung araw kung saan nagsimulang gumuho ang mundo ko.

Hinawakan n'ya ang buhok ko habang may ngiti sa labi niya. "Today is May 20...."

Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Mom. Hanggang sa unti unti kong naalala na ang tunay ko nga palang birthday ay May 20. Hindi ko alam na ngayon pala iyon, sa sobrang tagal kong nagkulong sa kwarto at pag iisip sa mga taong mahahalaga sa buhay ko ay nakalimutan ko na ang kung anong araw ngayon.

Bago ito, dahil ito ang kauna unahang mag cecelebrate ako ng birthday mismo sa petsa kung kelan ako ipinanganak.

"Akala ko para 'to sa pagpapakilala sa'kin ni Dad sa buong B.A."

"Yes, it is."

Agad na tumindig ang balahibo ko nung marinig ang boses n'ya na nagmula sa may likuran ko. Tila nanigas ako at kinabahan. Nakita kong napatingin sa kanya si Mom sabay balik ng tingin sakin. Hinawakan ni Mom ang kamay ko at nginitian ako like saying na wala akong dapat ipag alala.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon