Chapter 32

90.8K 1.6K 213
                                    

CHAPTER 32

Hindi na ako sumagot at dahan-dahan akong bumalik sa mesa para ipatong ang mga dala ko. Alam naman na niya siguro ang pasya ko kaya naupo kami sa bench na hinihigaan ni Kurt kanina.

Ilang segundo kaming nanahimik habang pinagmamasdan ang dagat.

" Dalawang uri ng tao ang madalas na nagsasabi ng totoo, ang bata at ang lasing." sabi niya pero nakatingin pa rin siya sa may dagat. " Naniniwala ka ba doon?" Tanong niya sabay tingin sa akin.

" What's your point?" malumanay kong tanong habang kinukutkot ang kahoy na inuupuan namin. Hindi ako mapakali pero nanatili akong nakaupo nang maayos at nakatingin sa dagat.

" Wala ako sa dalawang uri ng taong 'yon, hindi ako lasing at lalong hindi ako bata... pero lahat ng sinabi ko kanina ay totoo at walang pagdududa."

"Ha?" 

Pakiramdam ko ay namula ako sa mga narinig ko. Habang siya parang napaka-kalmado pa rin. Ilang segundo akong hindi huminga dahil sa pagkabigla.

"Seryoso,  I really like you Agatha."

At this point napatingin na talaga ako sa kaniya. Iba pa rin pala talaga ang impact kaapag sinabi niya 'yon sa'yo ng harap-harapan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis...

" Hindi ko aakalaing masasabi ko 'to sa'yo ngayon, alam ko kasing hindi ito ang tamang panahon but I can't help it and now you know what I really feel about you please don't try to avoid me."

Napalunok nalang ako at napakurap kurap. Ngayon pa lang naiilang na ako. Lalo na kapag naiisip kong baka gusto pa rin siya ni Alexis at hindi ako sure kung ganoon din ba siya. Hindi ko na naman makuhang sumagot. Nilalamon ako ng kaba. Nanatili akong nakaupo at parang nababalisa.

" May hinihintay lang ako na dapat mangyari, at kung hindi man mangyari 'yon o matapos na ang lahat, handa na ako..."

Handa saan? Tsaka ano ang hinihintay niya mangyari. 'Yong mission ba namin? Parang tinahi ang bibig ko at di ako makapag salita.Tumayo siya at humarap sa akin.

" I'm ready to catch you."

Sabi niya catch 'di ba? Kung mahulog man ako ng tuluyan sa kaniya sasaluhin niya kaya ako. Ibig sabihin alam niyang may nararamdaman ako sa kanya? ganoon ba ako ka obvious?

Hindi padin ako makapagsalita Dahil na rin siguro sa hindi pa ako desidido kung kaya ko na ba ulit pumasok sa relasyon. Sinasabi niya ba 'to para ipaalam sa akin na kailangan pa namin ng enough time para makapag-ready sa kung anong pwedeng kahantungan naming dalawa?

"And if I'll ask you to be with me I hope you're ready too."

Napatingala ako para makita ang mukha niya. Umawang ang bibig ko, gusto kong sumagot pero parang walang boses na lumalabas sa boses ko. Nakatitig lang siya, titig na puno ng sensiridad.

Ngumiti siya sakin ng matamis at yumuko para... halikan ang noo ko. Nabigla ako sa ginawa niya pero sa kabila n'yon...naramdaman ko ang presensya niya. Naramdaman kong babae ako.

Feeling ko sasabog na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso. Baka atakihin na ako sa sobrang bilis ng kabog nito. Calm down please! Calm down.

Pagkatapos n'yon ay sinabihan niya akong pumasok na sa loob at siya na ang maglilinis ng tira.

Tumango lang ako at lumakad papasok, halata ang pagkabalisa ko na may hiya, saya at gulat. Halo-halo na.

Pagpasok ko naupo ako sa sofa habang tulala pa rin. Ngayon lang nagsink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Parang ang haba ng hair ko sa sinabi niya.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon