chapter 56

115K 2.1K 367
                                    

CHAPTER 56

Tahimik na pumasok sa loob ng clinic si Nicolo at Faye. Napatingin sa kanila si Agatha ngunit hindi n'ya makayanan na makipagtitigan nang matagalan kay Faye.

Tila naiilang sila sa isa't-isa at nagpapakiramdaman na lang. Maging si Nicolo ay 'di alam kung paano magre-react. Lumapit na sila mismo sa kama. Sa pagkakataon na 'to ay naglakas loob na si Agatha na tignan nang matagalan ang kaibigan.

" Thank you./ Okay ka na ba?" sabay na nasabi nilang dalawa.

Ngumiti si Agatha at tumango. "Okay na ako Bes."

Ngumiti lang din sa kanya si Faye habang si Nicolo ay pinagmamasdan lang silang dalawa.

" Alalayan na kita bekla, alalay lang di kita keri buhatin. Mas maganda siguro kung ihatid ka na namin sa inyo..." suwesyon ni Nicolo kay Agatha. "And please lang! I hate clinic mga bekla! 'Di ko matatake magtagal dito alam niyo 'yan. Doon na lang tayo sa bahay n'yo muna, parang kailangan niyo atang mag-usap na dalawa."

Gaya nang sinabi ni Nicolo ay nasa bahay na sila ni Agatha ngayon. Saglit lang ang byahe, tila ilang pa rin sila at hindi magawang mag-usap habang nasa sasakyan kanina. Iika-ika naman kung maglakad si Agatha, naghanda siya ng merienda pagkatapos n'yon ay naupo na rin siya sa sala.

" Kalurkey kayong itetchiwa, subukan n'yong mag-usap try niyo lang. Promise mukha kayong shunga."

Hindi din nakatiis si Agatha at nilakasan na n'ya ang loob na magtanong kay Faye.

" Bes, sorry! Alam kong galit ka."

Nagkatinginan silang dalawa ng mga ilang segundo, pagkatapos n'yon ay yumuko si Agatha. Habang si Nicolo ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

" Masisisi mo ba ko kung galit ako ngayon?" malamig na pagkaka-tanong ni Faye.

Inasahan na ni Agatha na nagalit ang kaibigan dahil alam nila na may pagtingin ito kay Uriah. Pakiramdam n'ya ay tinraydor n'ya si Faye sa ginawa n'ya at sa paglilihim dito.

" Sorry Bes, naiintindihan ko kung bakit nagagalit ka." –Agatha.

" Hindi mo naiintindihan!"

Laking gulat nila Nicolo nang mapasigaw si Faye, 'yon ang kauna-unahan nilang makita ang kaibigan na nagkaganoon. Halata ang inis sa mukha ni Faye, nang makita 'yon ni Agatha ay parang gusto na niyang maluha.

" Hindi mo naiintindihan Agatha." pag-uulit ni Faye, sa pagkakataon na ito malumanay na ang boses n'ya.

"Kung iniisip mo nagagalit ako sa kung ano ang nakita ko kanina hindi, nagagalit ako dahil pakiramdam ko ang dami ko pang hindi alam tungkol sayo." tila paiyak na sabi ni Faye dala na ng sama ng loob. Napatigil siya saglit para pigilan ang sarili na maluha.

" Iniisip mo na nagagalit ako dahil sa ginawa ni Uriah sa harap mo kanina pero hindi, nagagalit ako dahil sarili kong bestfriend hindi ako magawang mapagkatiwalaan."

Sa pagkakataon na 'to ay 'di na napigilan ni Faye at tumulo na ang mga luha n'ya kaya mabilis niya 'yong pinunasan. Puno naman ng konsensya ang mga mata ni Agatha at parang maya-maya ay mapapaiyak na din siya.

" Bekla, walang iyakan mamaya maiiyak din ako, e." nag-aalalang sabi ni Nicolo kay Faye.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon