chapter 22

123K 2K 219
                                    

CHAPTER 22

Papunta na kami ngayon sa penthouse niya. Natakasan din namin 'yong mga nagbabantay samin. Ang hirap pala ng ganun, 'yong parang binabantayan bawat kilos mo. Paano pa kaya ang mga artista talaga, siguro sobrang hirap ng kalagayan nila minsan.

Nanahimik lang kaming dalawa dito sa kotse n'ya na akala mo ay walang nangyari.

'What's happening to me? There's an unexplainable feelings when I held his hand.'

Nakatingin lang ako sa labas at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin baka makahanap ako ng sagot sa tanong ko. 'Di, joke lang.

Nakakapanibago lalo na nandito ako sa front seat. Oh 'di ba? Nakakailang talaga! First time 'to. Ayaw n'ya kasi ako na nasa front seat pero dahil may nagmamasid sa amin kanina ay umakto kaming sweet couple.

Pinagbuksan n'ya kasi ako ng pinto kanina at pinauna akong pinapasok sa kotse gaya na ginagawa ni Doms sa akin. Gentelman. E, kung ganoon ba namn siya lagi edi natuwa pa ko sa kanya!

Nakaramdam na naman ako ng panlalamig marahil siguro sa suot ko. Oh talagang malakas lang ang aircon dito sa passenger seat. Pasimple ko naman iniistretch tong shorts na suot ko. Goodluck sa akin kung may ihahaba pa 'to.

" Tsk, Hey what are you doing?" iritable niyang tanong pero diretso padin ang tingin sa daan.

Tinignan ko lang siya, anong problema n'ya? Ah okay. I got it.

" Keep calm and just drive, ano ba akala mo maghuhubad ako? Hahaha! Inaayos ko lang to 'no."

Sabi ko habang binabanat ang shorts ko. Kaso mukhang wala naman naitutulong 'tong nagagawa ko. Todo na 'to.

" 'Wag ka na nga magshorts! 'Di bagay!"

Eh ang lakas pala ng topak nito e. Siya kaya pumili nito.

" Excuse me? Ikaw ang bumili nito adik ka ba? Siraulo." Sabay irap ko sa kanya.

Hinubad n'ya 'yong jacket n'ya at hinagis sakin.

" Anong gagawin ko dito?" sarkastik kong tanong.

" Kainin mo."

Hay maloloka ko sa kanya, ang engot ko din ano. Syempre common sense gusto n'ya na suotin ko 'to.

" Ha-ha-ha funny! SALAMAT AH!"

Grabe ang haba ng jacket n'ya. Pero infairness ang bango.

Dumating na ang linggo at ito na ang kinatatakutan ko.

" Mom , pwedeng next week nalang?"

" Hindi! Ikaw ang tigas talaga ng ulo mo! Dapat nga every end of month 'di ba pumupunta ka dun? Dali at mag ayos ka na."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon