chapter 38

110K 1.8K 189
                                    

CHAPTER 38

Nanatiling walang emosyon si Uriah, mukhang wala siyang pakealam sa tanong ni Chin sa kaniya.

" Tingin mo ba magbabago ang isip ko dahil sa tanong na 'yan?"

" Bakit 'di mo na lang sagutin ang tanong ko? Ikaw 'yong Mr. Y 'di ba?" tila nang-aasar na tanong ni Chin.

" Ang alin ba? 'Yong sinabi ko sa kaniya na Mr. Y loves him? F*ck. 'Di mo pa rin ba nagets? Sinabi ko lang 'yon para gumulo ang isip niya. Mukhang effective naman at naikwento pa talaga niya sa'yo. Tss." natawa saglit si Uriah na parang nang-iinsulto.

Sa ginawa niya ay lalong nainis si Chin. Hindi naman niyang magawang labanan phsyically si Uriah dahil alam niyang wala siyang laban dito. Nagbaka sakali siyang guluhin ito emotionally,pero walang epekto ang ginawa niya at lalo lang siyang nagalit sa mga narinig niya.

Tiningnan lang ulit siya ni Uriah ng sobrang talim.

" 'Yon lang ba ang gusto mo malaman? Hindi mo itatanong 'yong iba pa naming dahilan?"

tanong ni Uriah habang naglalagay ng alak sa baso niya. " Ano ba ang mga nalalaman mong hindi namin alam?"

" Aba! Malay ko sa inyo. Tsaka kapag nagtanong ba ako kung ano ang pinakadahilan n'yo tingin n'yo sasagutin n'yo ko? Malamang hindi 'di ba? Bakit pa ko mag aabala! Tsaka hindi na ako interesado sa mga kag*g*han n'yo." mabilis na tugon ni Chin, pinapahalata niyang wala talaga siyang iba pang nalalaman.

Lalo siyang nag-iingat sa mga sinasabi niya dahil napatunayan na niya ngayon sa sarili niya na ang mga hinala niya noon ay tama nga.

" Anong alam mo tungkol sa Black Apocalypse?" tanong ni Kurt na halatang may galit.

" Wala! Ano bang malay ko sa mga rival gang n'yo. Tsaka pwede ba? Hindi na kami sasama sa mission n'yo."

" Babe... Uh! Sorry!" napatigil bigla si Mars sa sinasabi niya at napapikit saglit. "Sabihin mo na, para matapos na..." malumanay niyang utos, kaso hindi siya kinibo o tiningnan nito.

Kahit anong pamimilit nila ay patuloy lang ang pagtanggi ni Chin na wala talaga siyang alam. Laking pasasalamat na lang niya at kahit nagmamatigas siya ay hindi pa siya sinasaktan ng mga kasama niya. Kahit papaano ay babae pa rin si Chin at kasamahan nila 'to kaya hindi nila ito masaktan.

" Hayaan na natin mga pre, baka wala talaga siyang alam. Tutal mahuhuli na rin naman natin si Rc bukas. Malalaman na din natin ang lahat."

Kahit papaano ay napanatag si Chin sa sinabi ni Dominic.

" Bwiset naman mga 'to, may pasok pa ako, e." bulong ni Chin.

Tumingin lang si Uriah at tumango kay Jonas. Bigla naman lumapit si Jonas na may hawak na papel.

" Alam ko naman na ayaw mo na malaman ni Agatha ang lahat kaya we will give you options...

tatapusin na namin ang kontrata with Agatha at hahayaan na namin ang utang niya pero kailangang sumama ka pa rin bukas sa amin , kapag nakuha na natin si Rc, okay na ang lahat dude."

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon